^

Kutob

Agosto 11, 2001

- Madam Rosa -
LEO (Hul. 23-Ago. 22) – Ang matagal nang hinahangad ay matutupad ngayon na walang hadlang. Pakinggang mabuti ang kutob ng kalooban at hindi magkakamali sa mga gawain. Makiisa sa mga kasamahan sa kanilang layunin. Mag-ingat sa snatchers. Lucky numbers at color for the day ang 4-13-24-35 at nile green.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Ang balak na magtrabaho sa ibang bansa ay magagawang isulong ngayon. Ang pag-iingat ay dapat bigyan ng halaga at baka may mawalang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 4-13-21-26 at tan.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Masasalang sa malaking problema sa pagpapabayang gagawin. Maging maingat sa pagkain lalo na ang mahirap tunawin. Iwasan ang magalit na siyang maaaring ikataas ng presyon. Lucky numbers at color for the day ang 4-10-15-24 at honey yellow.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– May karagdagang pag-aaral ang gagawin upang lalong mapaangat ang kalagayan ng propesyon. Suriing mabuti ang landas na tinatahak upang hindi maligaw. Lucky numbers at color for the day ang 6-11-23-28 at cherry red.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Iwasan ang masasakit na biruan na maaaring makasugat ng damdamin ng hindi sinasadya. May pagkakataong makagawa ng isang gawaing kapaki-pakinabang. May palatandaang lumalandas patungo sa katuparan ng pangarap. Lucky numbers at color for the day ang 6-10-25-33 at fuschia.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Paglabanan ang kapusukan nang makaiwas sa nakaambang kaguluhang mangyayari. May magandang impormasyong matatanggap na matagal nang gustong malaman. Malaking tulong ang pagdarasal. Lucky numbers at color for the day ang 5-16-28-40 at violet.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Magiging abala ngayon sa trabaho. May ilang mga bagay na dapat isaayos na nangangailangan ng salapi. Naaayon ang araw sa paglalakbay. Lucky numbers at color for the day ang 11-22-32-41 at garnet red.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Magkakaroon ng malaking pagkakataon upang maiangat ang hirap na kalagayan sa negosyo. Suriing mabuti ang alok na pangkalakal ng isang bagong kakilala. Iwasan ang magpadalus-dalos sa pagpapasya. Lucky numbers at color for the day ang 7-16-26-36 at pink.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Ang kaguluhan sa paligid ay maaaring maging maitim na ulap sa nais gawin. May isang taong sasalungat sa iyo subalit ang mabilisang pagkilos at lakas ng kamalayan ang magsasalba sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 3-13-22-29 at lemon green.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Hindi inaayunan ang makipag-date nang makaiwas sa di-pagkakaunawaan. Matatapos nang maayos at walang balakid ang mga gawaing napasimulan na. May magandang balitang matatanggap na siyang magpapasigla ng iyong araw. Lucky numbers at color for the day ang 4-7-16-32 at mint green.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Panatilihin ang kahinahunan sa magaganap. Mag-ingat sa mga taong ibig mandaya o mandugas at maging matatag. Iwasang mag-init ang ulo. May kahirapang matupad ang ipinangako. Lucky numbers at color for the day ang 2-13-23-33 at crimson.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Walang boredom ang mararanasan dahil mga masayahing tao ang makakasalamuha sa buong araw. Malulutas ang isang bagay na matagal nang gumugulo sa isipan. Lucky numbers at color for the day ang 6-11-18-32 at yellow.

COLOR

DAY

HUL

IWASAN

IWASANG

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

SURIING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with