^

Kutob

Agosto 10, 2001

- Madam Rosa -
LEO (Hul. 23-Ago. 22) – May makikilalang tao na makakatulong upang matupad ang isang transaksyon. Ang dati mong pagsisikap sa negosyo ay dapat dagdagan pa at pag-ibayuhin upang umunlad. Lucky numbers at color for the day ang 2-13-21-40 at aquamarine.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Madaragdagan ang kikitain sa pamamagitan ng pagdadagdag ng oras sa trabaho o negosyo. Makakatanggap ng impormasyon na makakatulong sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 1-12-22-31 at jade green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Tamang pamamaraan sa pakikisama ang magpapalapit sa mga taong nakapaligid. Mapapalipas sa paglilibang ang kaguluhan ng isipan dulot ng hindi pagkakaunawaan sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 3-14-25-36 at emerald green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Ang romansa ay mapapanatiling maganda at makulay. Sikaping mapanatili ang magandang harmonya sa paligid. Nakatakdang maging mainit ang iyong pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 8-20-32-41 at violet.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– May suwerteng hatid ang negosyo ng pamilya. Maging maingat sa paglabas ng bahay lalo na sa gabi. Maaapektuhan ang relasyon dahil sa intriga. Lucky numbers at color for the day ang 3-11-16-36 at turquoise.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Magiging kasiya-siya ang pakikihalubilo sa mga kaanak lalo sa pinakamamahal. Samantalahin ang pamamahinga. Ang payo ng magulang ay dapat isaalang-alang. Masusubukan ngayon ang katatagan ng isang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 6-18-31-36 at cherry red.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– May mahalagang bagay na nawawala ang lilitaw din sa kalaunan. Inaayunan ng magandang kapalaran ang binabalak. Matampuhin ngayong araw. Lucky numbers at color for the day ang 8-14-24-41 at pink.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Ang kawalang-aktibidad ngayon ay labis na makapagpapainip sa iyo. May pagkakataong maipakilala ang katapatan ng hangarin at layunin sa kinauukulan. Lucky numbers at color for the day ang 3-11-16-36 at yellow.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Ang tensyon ay bunga ng di-pagkakaunawaan sa loob ng pinapasukan o mga kasamahan. Ang pagkaabala sa gawain ay malamang na maging dahilan ng iyong pagkainis o galit. Lucky numbers at color for the day ang 5-14-36-42 at green.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Ang pansariling gawain ay lubhang mahalaga at dapat pagtuunan ng oras at pansin. Iwasan muna ang makisalamuha sa ibang tao dahil pikon at mainitin ang ulo ngayong araw. Mapamaraang pakikibagay ang dapat ipairal. Lucky numbers at color for the day ang 3-12-19-35 at peach.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Ang pagbabago ng tanawin at pamumuhay ay inaayunan ng pagkakataon. Makakalikha ng isang magandang bagay na pagmumulan ng paghanga. Ingatang magkasalungatan ang pansariling interes ng bawat isa sa kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 7-20-37-42 at maroon.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Taglay ang malakas na pang-akit sa mga taong makakausap. Mapagtitibay ngayon ang magandang relasyon sa loob ng tahanan at maging sa pinapasukan. Huwag ipangako ang isang bagay na hindi nakakatiyak na maisasagawa. Lucky numbers at color for the day ang 2-12-22-37 at imperial red.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

INAAYUNAN

INGATANG

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with