^

Kutob

Hulyo 15, 2001

KUTOB - KUTOB ni Madame Rosa -
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) – Kung bigo sa nakalipas, ngayon ay magiging mapalad. Kung hangad na mamili, makakatagpo ng talagang ninanais. Maging maunawain at matulungin ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 1-11-20-29 at orange.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) – Mapag-uukulan ng buong kakayahan at panahon ang mga gawain. May pagkakataong makapaglibang sa hapon. Ang di-pagkakaunawaan ay mapapawi. Lucky numbers at color for the day ang 3-8-12-20 at beige.

VIRGO
(Ago. 23-Set. 23) – Mahalaga ang relasyon sa mga magulang at kapatid. Ang hindi napatunayang hinala ay maaaring magbigay ng suliranin. Panatilihing maging malinaw ang pag-iisip. May abalang malamang dumating. Huwag mangako at tiyak hindi maisasakatuparan. Lucky numbers at color for the day ang 12-20-26-41 at maroon.

LIBRA
(Set. 24-Okt. 23) – Sundin ang kutob ng kalooban at hindi magkakamali sa pagpapasya. Makakatagpo ng mataas na tao na matagal nang hangad na makilala. Magiging masaya ang araw kung maiiwasan ang magalit. Lucky numbers at color for the day ang 6-14-23-32 at scarlet.

SCORPIO
(Okt. 24-Nob. 22) – Kung may lakbayin, dapat itong ipagpaliban. Madaling pakibagayan ang kasambahay. Angkin ang malakas na pag-iisip na may malaking impluwensya sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 5-8-22-29 at green.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) – Huwag pansinin ang maririnig na mga salita at ito ay mga naiinggit lamang. Maging mahinahon at iwasan ang gulo. Tulungan ang isang miyembro ng pamilya na nasa gipit. Isang magandang pagkakataon ang darating. Lucky numbers at color for the day ang 5-9-20-24 at butter yellow.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) – Iwasan ang maging masalita ngayong araw. Maaaring makatagpo ng taong makakasalungat at madaling mag-init ang ulo. Kung hindi mag-iingat, posibleng masangkot sa isang gulo. Lucky numbers at color for the day ang 12-19-23-42 at dollar green.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) – Maganda ang araw tungkol sa pag-ibig ngunit hindi sa salapi. May pagkasensitibo ang kalagayang pinansyal. Ilang suliranin sa nakalipas ang masosolusyunan. Magiging mapalad sa isang transaksyon. Lucky numbers at color for the day ang 10-20-29-37 at forest green.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) – May panukala ang mahal sa buhay na dapat isaalang-alang. Ang ilang kaibigan ay hindi ngayon maaasahan. Isagawa ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 15-26-38-42 at cobalt blue.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) – Kakailanganin ngayon ng sipag at tiyaga sa iyong hanapbuhay. May elemento ng magandang kapalaran sa trabaho. Ang pagdalo sa isang pagtitipon ay magiging kasiya-siya. Mag-ingat sa mga kilos at pananalita. Lucky numbers at color for the day ang 6-14-29-40 at cinnamon brown.

TAURUS
(Abr. 20-May. 20) – Pigilin ang hangaring magsugal o kaya ay marangyang paggasta pagkat bulsa ang higit na magdurusa. Mapapabuti ang kalagayang pinansyal. Ang paghingi ng paumanhin ay mabisang gamot sa pagkakagalit. Lucky numbers at color for the day ang 11-22-32-41 at red.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) – Makulay at masaya ang pakikipag-ugnayan sa minamahal. Ipagpaliban ang anumang mungkahing may kinalaman sa pananalapi o negosyo. Magtatagumpay sa gagawin. Gagawa ng isang mahalagang desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 5-9-15-28 at pink.

ANGKIN

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with