Hunyo 5, 2001

GEMINI (May. 21-Hun. 21) – Ang tensyon ay bunga ng di-pagkakaunawaan sa loob ng pinapasukan o mga kasamahan. Ang pagka-abala sa trabaho ay malamang maging dahilan ng pagkainis o pagkamainitin ng ulo. Ang pag-ibig at salapi ay pangunahin ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 5-14-36-42 at fuschia.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Ang pansariling gawain ay lubhang napakahalaga na dapat pagtuunan ng oras. Iwasan muna ang makisalamuha sa ibang tao dahil magiging pikon at mainitin ang ulo ngayon. Mapamaraang bagay at kahinahunan ang dapat ipairal. Lucky numbers at color for the day ang 3-12-19-35 at peach.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Tamang pamamaraan sa pakikisama ang magpapalapit sa mga taong nakapaligid. Mapapalipas sa paglilibang ang kaguluhan ng isipan dulot ng hindi pagkakaunawaan sa tahanan. Tiyaga at husay sa paggawa ang iyong puhunan sa kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 3-14-25-36 at emerald green.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Nakatakdang maging mainit ang iyong pag-ibig. Ang buong araw ay mapupuno ng makulay na pangyayari na siyang magpapatingkad sa pag-ibig. Sikaping mapanatili ang magandang harmonya sa paligid. Lucky numbers at color for the day ang 8-20-32-41 at violet.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
-- May makikilalang taong makatutulong upang matupad ang isang transaksyon. Malulungkot ka lamang kung karangyaan ang magiging sukatan dahil sa kalagayan. Lucky numbers at color for the day ang 2-13-21-40 at aquamarine.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Hindi magiging mahalaga kung maliit o malaking pagtitipon ang dadaluhan dahil may naghihintay na magandang pagkakataon dito. Makakatanggap ng impormasyong makatutulong sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 1-12-22-31 at jade green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– May mahalagang bagay na mawawala na habang hinahanap ay lalong hindi makikita ngunit huwag mabahala at lilitaw din ito. Inaayunan ng magandang kapalaran ang mga binabalak ngayong araw. Lucky numbers at color for the day ang 8-14-24-41 at pink.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Ang kawalang-aktibidad ngayon ay labis na makapagpapainip sa iyo. May pagkakataong maipakilala ang katapatan ng hangarin at layunin sa kinauukulan. Ang pagpaparaya sa isa’t isa ay nangangahulugan ng maligayang pagniniig. Lucky numbers at color for the day ang 3-11-16-36 at citrine yellow.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– May suwerteng hatid ang negosyo ng pamilya. Maging maingat sa paglabas ng bahay laluna sa gabi. Maaapektuhan ng intriga ang relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 3-11-16-36 at turquoise.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Magiging kasiya-siya ang pakikihalubilo sa mga kaanak. Masusubukan ngayon ang katatagan ng isang kaibigan. Samantalahin ang araw sa pamamahinga. Isaalang-alang ang payo ng mga magulang. Lucky numbers at color for the day ang 6-18-31-36 at cherry red.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Ang pagbabago ng tanawin sa pansariling damdamin at pamumuhay ay inaayunan ng pagkakataon. Ingatang magkakasalungatan ang pansariling interes ng bawat isa sa mga kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 7-20-37-42 at maroon.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Taglay ang malakas na pang-akit sa mga taong makakausap. Mapagtitibay ngayon ang magandang relasyon sa loob ng tahanan at maging sa pinapasukan. Huwag ipangako ang isang bagay na hindi nakakatiyak na maisasagawa. Lucky numbers at color for the day ang 2-12-22-37 at imperial red.

Show comments