May 14, 2001

TAURUS (Abr. 20-May. 20) -- Madaling matatamo ang solusyon ng anumang problema ng nakalipas kung pagtutuunan ito ngayon ng pansin. Ang nagdaang mga tampuhan ay malulunasan. Lucky numbers at color for the day ang 8-14-25-33 at magenta.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
-- Panahon ng pagbabago ng ugaling pagtatanim ng galit sa kapwa. Iwasan ang tsismisan. Ang pagpapatawad sa mga nagkasala ay ugaling maka-Diyos. Lucky numbers at color for the day ang 1-5-10-14 at green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
-- Ang taglay na katangiang mapagmahal at maalalahanin ay siyang magbibigay ng labis na harmonya sa pamilya. Walang dapat alalahanin sa negosyo o trabaho pagkat lahat ay maaayos na tumatakbo. Lucky numbers at color for the day ang 15-23-38-41 at red.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
-- Iwaksi ang pagiging tsismosa. Parang nasasalamin mo lamang ang sarili kung may makaharap kang tsismosa at masungit na tao. Sa pagbabago ng masamang ugali ay magbabago ang buhay at papasok ang suwerte. Lucky numbers at color for the day ang 4-8-11-16 at blue.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
-- Maging totoo at angkinin ang pagkakamaling nagawa dahil ito ang magiging gabay upang maiwasan ang muling pagkakamali. Sikapin ang maging mahinahon at isiping mabuti ang gagawin bago kumilos. Lucky numbers at color for the day ang 11-19-36-38 at beige.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
-- Kung may balak lumipat ng bahay, ngayon ang tamang araw para gawin ito. Kung nag-aapply naman sa trabaho, mas malaki ang tsansang matanggap kung tanghali ka pupunta. Lucky numbers at color for the day ang 6-28-29-39 at indigo.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
-- Ang taglay na tensyon ay mapapawi dahil kusang darating ang solusyon. May magandang balitang darating na siyang magbibigay-kagalakan. May panauhin mula sa malayo ang darating. Lucky numbers at color for the day ang 22-31-34-38 at canary yellow.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
-- Ang kaligayahang madarama sa umaga ay siya namang kalungkutan ang kapalit dakong hapon dahil sa magaganap na pangyayari o balitang matatanggap. Sikapin ang pagpigil sa emosyon at maging mahinahon sa pagharap ng problema. Lucky numbers at color for the day ang 7-20-24-38 at apple green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
-- Magiging maaliwalas ang buong araw at ang lahat ay tatakbo ng maayos at ayon sa gusto. Isang kamag-anak ang mangkukulit bagay na hindi iot dapat patulan dahil hahantong lang ito sa gulo. Iwasan ang pag-init ng ulo at pakikipagsapalaran. Lucky numbers at color for the day ang 9-26-47-25 at pink.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
-- Isang mapalad na transaksyon ang mabubuo ngayon na makapagpapabago sa takbo ng buhay. Ang negosyo ay magiging maunlad. Magkahalong ligaya at kagalakan ang madarama kung iwawaksi ang selos o usaping pera. Lucky numbers at color for the day ang 8-32-40-42 at purple.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
-- Kusang lalapit ang isang magandang pagkakataon na hindi dapat palampasin.. Isang mungkahi tungkol sa negosyo ang magbibigay ng kaunlaran. Naaayon ang paglagda sa anumang papeles. Lucky numbers at color for the day ang 14-18-25-39 at jade green.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
-- Ihanda ang sarili sa anumang magaganap ngayon. Ang lahat ay lilipas ngunit ang mapupulot na maganda ngayon ay panatilihin bilang isang aral. Lucky numbers at color for the day ang 6-16-20-25 at tangerine.

Show comments