Abril 20, 2001

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) -- Pangalagaan ang kalusugan. Maging maingat sa pagkaing mahirap tunawin. Ang mga kaibigan ay madaling lapitan para sa makatulong sa problema. Iwasan ang magalit. Lucky numbers at color for the day ang 4-10-15-24 at at honey yellow.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
-- Ang marunong magpahalaga sa trabaho ay may magandang ibubunga. Matutong igalang at irespeto ang opinyon ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 3-13-22-29 at lemon green.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
-- Ang mabilisang pagkilos at lakas ng kamalayan ang magsasalba sa iyo. May isang taong sasalungat sa iyo. Malulutas ang isang bagay na matagal nang gumugulo sa isipan. Lucky numbers at color for the day ang 6-11-18-32 at yellow.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
-- Mag-ingat sa mga taong ibig mandaya o mandugas. Maging matatag. Iwasan ang madaling pag-init ng ulo. Panatilihin ang kahinahunan. May posibilidad na mahirapan sa pagtupad ng pangako. Lucky numbers at color for the day ang 2-13-23-33 at crimson.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
-- Matatapos nang maayos at walang balakid ang mga gawaing napasimulan. May magandang balitang matatanggap ngayon. Kung may kakatagpuing tao, dapat muna itong ipagpaliban pansamantala pagkat hindi kayo magkikita. Lucky numbers at color for the day ang 4-7-16-32 at mint green.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
-- Pakinggang mabuti ang kutob ng kalooban at hindi magkakamali sa mga gagawin. Ang matagal nang hinahangad ay magkakaroon ng katuparan. Mag-ingat sa snatchers. Lucky numbers at color for the day ang 4-13-24-35 at green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
-- Magiging abala sa araw na ito. May ilang mga bagay na dapat isaayos na mangangailangan ng salapi. Naaayon ang paglalakbay malapit man o malayo. Lucky numbers at color for the day ang 11-22-32-41 at garnet red.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
-- Paglabanan ang kapusukan upang ang araw ay maging maaliwalas. May magandang impormasyong matatanggap na matagal ng gustong malaman. Malaking tulong ang pagdarasal. Lucky numbers at color for the day ang 5-16-28-40 at violet.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
-- May karagdagang pag-aaral na gagawin upang lalong mapaangat ang kalagayan ng propesyon. Matumal ang takbo sa larangan ng pananalapi at negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 6-11-23-28 at cherry red.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
-- Ang balak sa pagtatrabaho sa ibang bansa ay magagawang isulong ngayon. Inaayunan ng magandang panahon ang pagsisimula ng magandang kinakaharap. Ingat at baka may mawalang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 4-13-21-26 at tan.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
-- Magkakaroon ng malaking pagkakataon para maiangat ang hirap na kalagayan sa negosyo. Suriing mabuti ang alok na pangkalakal ng isang bagong kakilala. Iwasan ang padalus-dalos na pagpapasya. Iwasan ang paanyaya ng mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 7-16-26-36 at pearl pink.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
-- Iwasan ang maaanghang na biruan na maaaring makasugat ng damdamin ng hindi sinasadya. May pagkakataong makagawa ng isang gawaing kapaki-pakinabang. May palatandaang lumalandas patungo sa katuparan ng pangarap. Lucky numbers at color for the day ang 6-10-25-33 at fuschia.

Show comments