^

PSN Showbiz

MMFF passes, ginawang negosyo ng ibang binigyan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
MMFF passes, ginawang negosyo ng ibang binigyan
Metro Manila Film Festival passes
STAR/File

Naloka naman ako na may mga nagbebenta ng Metro Manila Film Festival passes. Eh ang linaw-linaw na nakasaad doon na ‘strictly not for sale’ ‘yun.

Ganun na ba ang ibang binibigyan ng passes? Ganun ba kahigpit ang pangangailangan nila?

At ang mas nakakaloka, nagbebenta pa sila sa ilang social media platforms?

Pero dahil hinigpitan ng MMFF executive committee, nadiskubre rin naman daw nila ang mga nagbebentang ito na binigyan nila dahil may control number.

Mga kapalmuks ang mga ganun noh.

Binigyan na, binenta pa.

Sa social media pa. Pambihira.

Paano pa makakabangon ang industriya ng pelikulang Pilipino?

Merong nagpa-pirate, meron namemeke ng passes.

Lahat talaga may paraan tayong mga Pinoy.

Klima sa bansa, mas malamig ngayong buwan

Wow ang lamig sa Baguio.

Hahaha. Nabasa ko lang na bumagsak sa 14.4 degrees Celsius ang temperature sa Baguio, kahapon, Miyerkules.

Asahan daw ang mas malamig na panahon ngayong Enero dahil inaa­sahang lalakas ang northeast monsoon sa ibang bahagi ng bansa.

Bongga, kung nakakabiyahe lang sana ako sa Baguio.

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with