Sa ulap
Message from email:
Hirap talga mag-move -on... lalu na pag 1st time mo mag ka gf... prang ayaw mo siyang palitan at kalimutan..... at lalung masakit iniwan ka nya...... iwan ko tlga kung babalik yun... lumayas kasi sya sa kanila at di ko alam san nagpunta yun lalu tlga akung nasaktan....hirap na hirap na ako sa kaisip sa kanya nababaliw ako sa kaisip sa kanya...lage nga ako nagdadasal sa DIOS, sana maisip namn nya ako at bumalik sya.... ok lang sana nagpaalam sya sa akin, siguro di talga kami bagay sa isat-isa. Kaso niwan lng ako... masakit na masakit..araw-araw oras-oras ko syang iniisip...... gusto ko namn siya kalimutan pero hirap tlaga sana di nalang ako na inlove pra di ako nasasaktan.... pls sana may advice kyo sa akin kahit ano.... aasahan ko ang tulong nyo... cge po ingat...ty
* * *
Ehem, ang pag-ibig nga naman, buong nakapagpasaya sa lahat ng tao. Subalit ang tutuo pala, may bagay tayong dapat tumpukin at pag-aralan ang tungkol dito. Ang pag-ibig ay balat na sa ating pagkatao at sa ating pang-araw-araw na buhay sa mundo. Katulad ngayon sa iyong lovelife, yes, I agree na masakit at napakasakit kung ang taong mahal mo ay mawalay sa’yong mga paningin. Ninais mo siyang makita bawat pagdilat mo. Nais mong makatabi kahit pumikit man ang iyong mga mata. Nararamdaman mo sa iyong puso dahil siya ay lagi mong kapiling. Subalit ngayon, tulad siya ng isang usok na bigla na lang nawala at kahit halughugin ang ulap sa langit ay hindi mo na maramdaman. Ang dapat mong gawin ngayon, buksan muli ang pintuan ng iyong puso at magbakasakali kung may papasok na isang taong magpapahalaga at magmamahal ng dalisay sa’yo. Tanggapin mo na wala na siya… isipin mo na ang ‘yong naranasan sa pag-ibig ngayon ay bunga lang ng isang makamundong pag-ibig.
Girl or boy,
Inday Misyel
- Latest
- Trending