^

PM Sports

UE pinigilan ng UP sa Final Four

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lumiyab ang opensa ni Harold Alarcon upang akbayan ang University of the Philippines sa 77-67 panalo kontra sa Uni­versity of the East sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Kumana si Alarcon ng career-high 33 points para sa Fighting Maroons na diniskaril ang Red Warriors sa nais na pagsampa sa Final Four.

Nasa pangalawang pu­westo sa team stan­dings ang UP na may 11-3 karta, habang solo sa tuktok ang defending champions De La Salle University (12-2).

Dahil sa pagkatalo ay hihintayin ng UE (6-8) ang resulta ng hu­ling elimination match ng Adam­son University (5-8) at Ateneo (4-9) sa Sabado.

Kapag nanalo ang Soaring Falcons sa Blue Eagles ay magkakaroon ng playoff game sa No. 4 spot kontra Red Warriors.

Nakitaan ng tikas ang UE sa first period nang hawakan 21-15 abante.

Subalit hindi hinayaan ng UP na mabuo ang kumpiyansa ng karibal at nag-init sa second quarter upang maagaw ang 41-37 halftime lead.

Humataw ang Figh­ting Maroons sa fourth canto patungo sa 74-63 pagtambak sa Red Warriors sa huling 33.8 segun­do.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with