^

Pang Movies

Kiray personal driver ang BF na model!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Napikon ang Comedy Princess na si Kiray Celis sa mga basher na panay ang comment sa mga post nito kasama ang sinasabing hunk boyfriend na si Kirst Viray.

Halatang nakulitan na si Kiray sa comments ng netizens tungkol sa kanyang lovelife kaya nang ma-interview ang komedyana, naglitanya ito ng “stop it” r.

Ipinagtanggol din ni Kiray ang rumored BF na pinagbi­bintangang ginagamit lamang ang komedyana para sumikat.

Marami kasi ang nagkokomento na baka raw matulad lang si Kikay kay Kakai Bautista na na-link din sa hunk actor na si Ahron Villena.

Ganun na ganun daw kasi ang mga eksena dati sa Instagram posts nina Kakai at Ahron kung saan nagpo-post sila ng pictures na magkasama at very sweet pa.

Ayon pa kay Kiray, may ginagawa silang project ni Kirst na hindi raw ipapalabas sa Pilipinas dahil ito ay under sa direksiyon ng mahusay na filmmaker na si Brillante Mendoza na isasali sa foreign festival.

Kaya mali raw ang hinala ng madlang peole na nagpapansin silang dalawa ni Kirst bilang promo ng kanilang upcoming movie.

Basta enjoy daw sila sa kanilang mga kulitan at pagiging personal driver ni Kirst sa kanyang mga lakaran nilang dalawa.

vuukle comment

KIRAY CELIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with