Pabuya itinaas sa P2.2 milyon vs killer ng 2 pulis-Bulacan
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Itinaas na kahapon sa P2.2-milyon ang nakalaang pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon o makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspek na pumatay sa dalawang pulis sa Bocaue, Bulacan.
Naunang nagpahayag na magbibigay ng tig-100K pabuya si Bocaue Mayor Jonjon Villanueva at PRO3 Regional Director Brig. Gen. Jean Fajardo para sa agarang ikadarakip ng isa sa dalawang suspek sa pagpatay sa dalawang pulis na nakatalaga sa Bocaue Police Station.
Kamakalawa ay nagpahayag na rin si Bulacan Governor Daniel Fernando na magbibigay siya ng P2 milyong pabuya para sa makapagtuturo sa pinagtataguan ng isa sa suspek sa ginanap na pagpupulong ng Provincial Peace and Order Council sa Hiyas Pavillion sa nasabing siyudad.
Nauna nang naaresto ng mga otoridad si alyas “Dado” sa isinagawang follow-up operation at kasalukuyan nang pinaghanap si alyas “Athan” na siyang itinuturong bumaril at nakapatay sa dalawang pulis na sina PStaff Sergeants Dennis Cudiamat at Gian George dela Cruz at tumangay sa kanilang mga service firearms.
- Latest