Reward alok vs killer ng 2 pulis-Bulacan
BOCAUE, Bulacan, Philippines — Nakahandang magbigay ng P100,000 pabuya si Mayor Jonjon Villanueva sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon o makakatulong sa paghuli sa suspek sa pagpatay sa dalawang pulis sa bayang ito.
Mariing kinondena ni Villanueva ang brutal na pagpaslang kina PSSg Dennis Cudiamat at Gian George Dela Cruz ng Bocaue police habang gumaganap sa kanilang tungkulin (buy-bust operation against illegal firearms) nitong Marso 8 sa Sitio Tugatog, NIA road Brgy. Tambubong.
Ayon sa punong bayan, nasawi sila sa isang misyon na naglalayong tiyakin ang kaligtasan ng Bocaueño at nag-alay ng kanilang buhay sa pagsisilbi sa bayan.
Aniya, hindi niya palalagpasin ang kawalang-katarungan ng kanilang sinapit at bilang punong bayan sisiguraduhing mapapanagot ang mga nasa likod ng krimen.
Nabatid na patuloy ang alkalde na nakikipagtulungan sa mga awtoridad upang makamit ang hustisya ng mga biktima.
Hinikayat niya ang publiko na makipatulungan upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima at sakaling may nalamang impormasyon at agad makipatulungan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o tumawag sa 09985985376.
Sinasabing nahuli na ang isang suspek na si alyas Dado na nakakatandang kapatid ng isa pang suspek na si alyas “Athan” na nakita sa CCTV na bumaril kay Cudiamat at kumuha ng baril at motorsiklo nito at ginamit sa pagtakas.
- Latest