^

PSN Palaro

Batang Pier didikit sa ‘twice-to-beat’

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Batang Pier didikit sa ‘twice-to-beat’
Lalabanan ng Batang Pier ang Meralco Bolts ngayong alas-5 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Elasto Painters at F­iberXers sa alas-7:30 ng gabi sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

MANILA, Philippines — Lalapit ang NorthPort sa ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals habang mag-uunahang makaba­ngon mula sa kabiguan ang Rain or Shine at Converge sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup.

Lalabanan ng Batang Pier ang Meralco Bolts ngayong alas-5 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Elasto Painters at F­iberXers sa alas-7:30 ng gabi sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Bitbit ng NorthPort ang 7-1 baraha kasunod ang Rain or Shine (5-2), TNT tropang Giga (4-2), Hong Kong E­astern (6-3), Converge (6-3), Ginebra (6-3), Meralco (5-3), San Miguel (4-4), NLEX (3-5), Phoenix (3-5), Magnolia (3-6),  Blackwater (1-7) at Terrafirma (0-9).

Hangad ang ikatlong sunod na ratsada, nagmula ang Batang Pier sa 119-116 pagtakas sa Gin Kings para patibayin ang pag-asa sa quarterfinal bonus.

“I hope that with this win, we proved that we’re here to win games. We’re here to be competitive, we’re not just a team to be taken lightly,” ani coach Bonnie Tan sa kanilang panalo.

Umiskor naman ang Bolts ng 105-91 panalo sa Road Warriors para sa tsansa sa quarterfinal spot.

“We’re focusing on Meralco first. We’re taking it one step at a time. We really can’t look ahead,” ani NorthPort star Arvin Tolentino.

Sa ikalawang laro, ang pagbangon mula sa pagkatalo ang hangad ng Elasto Painters at F­iberXers matapos mapigilan ang kanilang parehong four-game winning streak.

Sumuko ang Rain or Shine sa Phoenix, 91-93 habang minalas ang Converge sa TNT Tropang Giga, 96-98, sa kanilang mga huling laro.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with