^

Punto Mo

Ang totoong halaga ng ‘bato’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Isang lalaki ang nagtanong sa Diyos, “Gaano po ako kahalaga sa mundong ito?”

Sa halip na sagutin ay binigyan siya ng Diyos ng kulay pulang bato. Ang bilin ng Diyos sa lalaki ay ipagtanong ang halaga ng bato ngunit huwag itong ibebenta.

Ang unang pinuntahan ng lalaki ay magtitinda ng prutas. Tinanong nito kung magkano sa palagay niya ang batong hawak niya. Ang sagot ng magpuprutas ay 12 mansanas ang halaga ng bato.

Ang ikalawang pinagtanungan ng lalaki ay ang nagtitinda ng gulay. Inalok ang lalaki ng isang sakong patatas bilang kapalit ng pulang bato. Magalang na tumanggi ang lalaki.

Nagtungo ang lalaki sa jewelry shop. Kinilatis ng mag-aalahas ang bato at nalaman nitong ruby ang pulang bato. Akala ng mag-aalahas ay nais ibenta ng lalaki ang bato kaya’t inalok niya ito ng P100,000. Ngunit tumanggi ang lalaki at sinabing gusto lang niyang alamin ang halaga nito.

Nagbalik ang lalaki sa kinaroroonan ng Diyos at ikinuwento ang nangyari. Ang paliwanag ng Diyos kung bakit inutusan niya ang lalaki na ipagtanong ang halaga ng bato na walang intensiyong ipagbili ito:

Kung paano sinukat ng magpuprutas, maggugulay at mag-aalahas ang bato, ganoon din sinusukat ng ibang tao ang kahalagahan ninyo bilang tao. Maaaring sukatin ng ibang tao ang halaga mo base sa nalalaman nilang impormasyon tungkol sa iyo; base sa kanilang motibo kung paano nila kayo mapapakinabangan or base sa nararamdaman nilang pagmamahal para sa iyo.

Anu’t anuman may isang tao na makakakita ng iyong “true value”—ng iyong kinang kaya’t ituturing kang tunay na kayamanan sa kanyang buhay. Sa mata ng Diyos, bawat isa sa atin ay “unique and precious”.

Kaya irespeto ang sarili sa tuwina, panatilihin ang dignidad sa pagkatao dahil kung hindi natin gagawin iyon, paano pa tayo pahahalagahan ng ibang tao?

BATO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with