Ex-military, 3 HVI nalambat sa drug den
MANILA, Philippines — Apat katao kabilang ang isang dating sundalo na pawang high value individual (HVI) ang nalambat ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation at pagbuwag sa pinatatakbong drug den, sa Parañaque City, Lunes ng gabi.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Reymar, 27, dating miyembro ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines ng Philippine Air Force (ISAFP-PAF); alyas Reynaldo, 37; alyas Edjane, 33;, pawang residente ng Sitio Manggahan 1, Barangay Merville, Parañaque City; at alyas Mark, 25, residente ng Khai Compound, Pasay City.
Sa ulat, dakong alas-8:05 ng gabi ng Nobyembre 11, sa No. 103 Sitio Manggahan 1, Parañaque .
Nabatid na isinigawa muna ang buy-bust bago pinasok ang nasabing drug den sa pangunguna ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (DDEU-SPD), District Intelligence Division, District Mobile Force Battalion, Sub-Station 7 ng Parañaque CPS at PDEA SDO.
Nasamsam ang 225 gramo ng shabu na may standard drug price na P1,530, 000.00, at isang kalibre 9 mm na baril.
- Latest