^

Bansa

DOH: Ilang sakit sa balat, maaaring ipagkamaling Mpox

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DOH: Ilang sakit sa balat, maaaring ipagkamaling Mpox
A child his helped by her mother as a health worker looks on at the Mpox treatment centre at Nyiragongo General Referral Hospital, north of Goma on Aug. 17, 2024.
AFP / Guerchom Ndebo

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Department of Health (DOH) na maraming sakit sa balat ang maaaring maipagkamali bilang Mpox, kabilang na rito ang chickenpox, shingles at herpes.

Ang paglilinaw ay ginawa ng DOH kasunod ng inilabas na abiso ng Provincial Health Office (PHO) ng Northern Samar na nakapagtala sila ng suspected case ng monkeypox na aktibo na nilang tinututukan sa ngayon.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na regular din silang nakakatanggap ng ulat hinggil sa suspected Mpox cases simula pa nang maitala ang unang kaso ng sakit noong Hulyo 2022.

Gayunman, polisiya umano nila na iulat lamang ang detection ng PCR-positive Mpox case sa sandaling matapos na ang beripikasyon nito, gaya na lamang umano ng ginawa nila sa ika-10 kaso ng Mpox sa bansa na naitala nito lamang Agosto 18.

Sa abiso ng PHO ng Northern Samar, kinumpirma nito na nakapagtala sila ng suspected case ng monkeypox at tinututukan na umano nila ito sa ngayon.

Ito anila ay isang 24-anyos na lalaki, na dalawang linggong nilagnat, nakitaan ng panghihina ng katawan at mga vesicular rashes.

Wala rin anila itong travel history at kasalukuyan nang inaalagaan sa NSPH, kung saan siya naka-isolated at sumasailalim sa confirmatory testing sa monkeypox.

Dagdag pa ng PHO, “Catarman MESU has been alerted, and contact tracing efforts are underway.

Binigyang-diin din ng PHO na mahalagang ma­ging informed at vigilant sa panahong ito na ilang kaso ng naturang sakit ang patuloy na naiuulat sa iba’t ibang panig ng mundo, kabilang na ang Pilipinas.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with