Bela kinumpirmang split na sa jowang Italian-Swiss

MANILA, Philippines — Medyo nagulat kami sa casual na sagot ni Bela Padilla nang kumustahin ng isang grupo ng entertainment press ang kanyang love life.
“Non-existent po,” naka-smile pang sabi niya.
Parang mali ang narinig namin kaya inulit pa namin.
“Wait, wala na kayo?” say namin na ang tinutukoy ay ang Italian-Swiss boyfriend niya of four years si Norman Ben Bay.
“Yeah, we officially split up. Ano naman ‘yon amicably. Dinalaw pa nga niya ako last month. He was here. And he was there when we started filming 100 Awit. Dumadalaw s’ya sa Pampanga.”
Mutual at maayos naman daw ang desisyon nila ni Norman na tapusin na ang kanilang relasyon at ang pinaka-naging major factor ay ang desisyon ni Bela na dito na manirahang muli sa Pilipinas matapos tumira sa London after ng pandemic.
Nananatili raw silang magkaibigan at wala silang iniwang bagahe sa isa’t isa.
“I told him anytime here’s here he can hang out with me and alam ko namang ganundin when I’m there [in London].”
Nagpaka-realistic lang siguro sila na baka hindi nila ma-maintain ang long-distance relationship.
Kung ininda man ito ni Bela ay hindi halata sa kanya.
Pero sure si Bela na iindahin natin ang sakit na dulot ng 100 Awit Para kay Stella, dahil mas masakit pa raw ito sa nauna at naging iconic na 100 Tula Para kay Stella, na siyang naglunsad sa accidental hugot loveteam nila ni JC Santos eight years ago.
Hmm... ibig sabihin, hindi pa rin magkakatuluyan sina Stella at Fidel?
S’yempre, ayaw namang i-spoil completely ni Bela ang istorya but definitely, nag-mature raw nang husto ang characters nila. Pero promise niya, mare-redeem daw dito si Stella, na kinainisan noon dahil hindi nito pinili si Fidel.
At kaya raw siya napa-oo sa sequel ay dahil nakita niyang ito ang paraan para mas makilala at maintindihan ng tao ang character n’ya sa pelikula.
Ang mapanakit na 100 Awit Para kay Stella ay mapapanood na sa mga sinehan nationwide beginning Sept. 10.
Kyle, patay na patay kay Janine
Viva raw ang nagdesisyon na kay Kyle Echarri ibigay ang role na Clyde sa 100 Awit Para Kay Stella. Tingin siguro nila ay bagay rito ang go-getter at musikerong role na magsisilbi ring third wheel sa tambalang Bela Padilla at JC Santos bilang Stella at Fidel.
At dahil third wheel, handa na raw si Kyle na kainisan ng fans ng iconic hugot movie dahil sign daw ‘yon that he did his job well.
Nang ma-korner siya ng ilang members of the press, including this writer, after the 100 Awit presscon, isa sa natanong sa kanya ay ang wish list niya sa future leading ladies. At nanguna talaga sa listahan niya si Maris Racal na never pa raw niyang nakatrabaho ever. “One person I can really say I would love to work with especially after seeing her movie—big shoutout nga pala to Sunshine. Napakagaling ni Maris!” masayang tsika ni Kyle.
Sumunod niyang minention si Janine Gutierrez na matagal na pala niyang crush—as in pre-Jericho (Rosales) days pa. “Alam niya ‘yan,” patukoy niya kay Janine. “Crush na crush ko kasi siya at alam ng mga tao ‘yon. Honest lang po talaga ako. Bago pa naging sila ni Kuya Echo. Si Kuya, alam niya na crush ko si Janine.
“She’s such a beautiful person inside and out. And nakasama ko po siya sa ASAP, very down to earth, very genuine.”
Ang isa pa ay si Julia Montes, na ka-kuwadra n’ya sa management niyang Cornerstone.
Willing din daw si Kyle mag-explore sa risqué roles gaya sa mga istoryang tumatalakay sa May-December affair.
At kung ganito raw ang tema, si Mylene Dizon naman ang wish niyang makaeksena na ilang beses na niyang nakatrabaho kaya kilalang-kilala na umano niya.
“Mahal na mahal ko ang babaeng ‘yan,” say niya about Mylene. “I love her so much. We’ve worked so many times ––Wag Kang Mangamba, Pamilya Sagrado — I call her Ate My but she’s my best friend. Basta I’m open.”
After ng 100 Await Para kay Stella, nakatakdang magka-teleserye ulit si Kyle under Dreamscape, habang ang blonde niyang buhok ay para sa character n’ya sa iba pang project na bawal pang pag-usapan.
Naghihintay na lang din ng playdate ang pelikula nila ni Piolo Pascual na The Ride.
But most definitely, mauunang mag-showing ang 100 Awit Para kay Stella dahil sa Sept.10 na ito in cinemas nationwide.
Ang busy ni bagets!
- Latest



















