^

Pang Movies

Pambansang ginoo, inaming kinikilig

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Kinilig ang actor na si David Licauco nang may mga writeup na naglabasan na bagay umano silang pagtambalin sa isang pelikula ng Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo.

Ito’y matapos magsama on stage ng Bench Body of Work Fashion event two Fridays ago.

Hindi ikinakaila ng Kapuso actor na big fan umano siya nito maging ang dati nitong boyfriend at ka-loveteam na si Daniel Padilla nung hindi pa umano siya nag-aartista. Halos lahat ng mga movie ng KathNiel ay pinanood ng tsinitong actor.

“Sino ba namang actor ang hindi magnanais na makatrabaho si Kathryn,” tanong ni David.

“Siyempre kapag nangyari `yon, I would be very happy,” aniya.

Sandaling nagtabi on stage sina Kathryn at David at ‘yung moment na `yon ay marami ang nakapansin na mukhang may chemistry ang dalawa.

For now ay pangarap pa lamang kay David ang makapareha si Kathryn pero kapag nag-align ang universe ay posible itong mangyari.

Ruru, may pangil… na!

Iba na ang sub-title ng Lolong: Bayani ng Bayan dahil ginawa na itong Lolong: Pangil ng Maynila sa bagong season ng serye na pinagbibidahan ng pinakabagong action hero ng Kapuso network na si Ruru Madrid. Kasama rin dito ang pagpasok ng mga bagong karakter na ginagampanan nina Tessie Tomas, Rowell Santiago at iba pa.

Sa totoo lamang, Salve A., ang serye lamang ni Ruru ang naka-survive (nang matagal) bilang katapat ng #1 action-drama series ni Coco Martin, ang FPJ’s Batang Quiapo na tumatakbo na sa kanyang ikalawang taon habang ang iba ay maagang nagpapaalam sa ere.

DAVID LICAUCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with