^

PM Sports

Lady Tams kakalas sa tanikala

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatangkain ng Far Eastern University na kumalas sa three-way tie sa No. 2 spot sa team standings kaya naman nasa kukote nilang sagasaan ang University of the East ngayong araw sa second round ng UAAP Season 87 women’s volleyball tournament na lalaruin sa FilOil-EcoOil Centre sa San Juan City.

Magsisimula ang banatan ng FEU at UE sa alas-5 ng hapon pagkatapos ng gitgitan sa pagitan ng defending champion Natio­nal University at Univer­sity of the Philippines sa alas-11 ng umaga.

Tangan ang 5-3 record, kaparehong karta ng FEU ang De La Salle University at University of Sto. Tomas habang solo sa tuktok ang National University.

Muling sasandalan sa opensa ng Morayta-based squad si Faida Bakanke pagsagupa nila sa nagkukumahog na UE na hindi pa nakakatikim ng panalo sa walong laro.

Tumikada si Bakanke ng 22 points mula sa 18 attacks at tig-dalawang service aces at blocks nang kalusin nila ang Golden Tigresses, 25-22, 26-24, 17-25, 26-24 sa huling laro.

Samantala, muling sasandal si NU head coach Sherwin Meneses kina former Rookie/MVP Mhicaela “Bella” Belen at Alyssa Solomon upang ikadena ang pang-siyam na sunod na panalo.

Matatandaan sa huling laban ng NU, aminado si Belen na napahirapan sila bago nanalo kontra De La Salle University, 25-19, 22-25, 25-20, 25-18.

“Hindi naging madali yung laban namin. Talagang nahirapan din kami against La Salle kasi may sistema rin sila. At the same time, may sistema rin kami. Yung game naman, ine-expect din namin na magiging mahirap siya compared sa first round,” ani Belen.

UAAP

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->