^

PSN Showbiz

Ysabel, paulit-ulit na nagpaliwanag sa sinasabing break-up nila ni Miguel

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Ysabel, paulit-ulit na nagpaliwanag sa sinasabing break-up nila ni Miguel
Ysabel Ortega

Nagsimula na kagabi ang bagong series sa GMA Prime na Slay na ipinalit sa katatapos lang na My Ilonggo Girl.

Pero matagal na itong streaming sa VIU na naka-12 episodes na nung huling sinilip ko at nasa top 20 naman sa naturang streaming service.

Nasimulan ko na ring pa­noorin at talagang pantay ang role na ginagampanan nina Julie Anne San Jose, Gabbi Garcia, Mikee Quintos, at Ysabel Ortega.

Sabi ni Julie Anne, hinding-hindi raw siya ‘yung character na gina­gampanan niya rito. Pero si Ysabel naman ay medyo nakaka-relate dahil isa rin siyang Law student.

Natigil lang muna si Ysabel sa kanyang pag-aaral ng Law, pero gusto talaga niyang makapagtapos nito. Pero sa ngayon ay nag-focus muna siya sa kanyang showbiz career.

Hindi pa niya masagot sa ngayon kung eventually ba ay ipapasok na rin siya sa Mga Batang Riles dahil wala pa talagang leading lady doon si Miguel Tanfelix.

Pero sila pa rin daw at hindi totoo yung kumakalat na break na sila ni Miguel. “Hindi po kasi kami ma-post ngayon na magkasama kami, which is true naman din po na nabawasan ‘yung times na magkasama kami, dahil nga sobrang busy kami sa mga projects namin.

“Porke’t hindi kami nagpo-post, hindi kami nag-uusap, hindi kami magkasama. Definitely, nag-iba lang talaga yung focus namin sa ngayon,” pakli ni Ysabel nang nakatsikahan namin sa nakaraang media conference ng Slay.

Basta going strong daw silang dalawa.

“Pero we still make sure na priority pa rin namin yung…going strong po. Happy. Very happy.

“Siyempre, there’s still part na we want to keep for ourselves naman din. Pero open naman na talagang very…na alam naman ng mga tao na mahalaga sa akin si Miguel and vice versa,” dagdag niyang pahayag.

Natanong na rin namin kay Ysabel ang tungkol sa kandidatura ng kanyang amang si Sen. Lito Lapid sakaling pakiusapan siya.

Willing ba siyang tumulong sa pagkampanya sa kanyang ama. “Palagi kong ipinagmamalaki na Daddy ko po siya. Siyempre naman I’m here to support my Dad sa lahat ng ventures niya. So, yeah opo,” saad ni Ysabel.

MGA KANDIDATO SA PBB EVICTION, KANYA-KANYANG TAGAPAGTANGGOL

As of yesterday ay number one trending pa rin ang hashtag na #PBBCollab1stNomination.  Tatlong duo ang na-nominate na posibleng magpapaalam sa darating na weekend - sina Will at River (WilVer), AC and Ashley (AcLey) at Ralph and Michael (RaMi).

Ang tindi nang balitaktakan sa social media dahil sa mga supporter nila na nagtatangol sa paborito nilang duo.

Sa mga nababasa naming komento sa X, ang daming nagtatanggol kina WilVer. Ang dami na rin kasing sumusuporta kay River Joseph at nanghihinayang sila kung maaga silang matanggal.

May ilan ding nagtatanggol kay Ashley Ortega na tila misunderstood siya sa Bahay ni Kuya.

May mga nagko-comment pang i-save si Ralph de Leon dahil mabait daw itong tao, at meron ding sumusuporta kay Michael Sager.

Kaya interesting talagang subaybayan sila online, kesa sa telebisyon dahil edited nang napapanood doon.

Pero okay pa rin naman ang rating nito sa free TV, pero mas nagte-trending talaga sa online. Noong Biyernes ay naka-3.3 percent ito at noong Sabado na kung saan ay sorpresang ipinasok si Gabbi Garcia ay naka-6.9 percent ito, at nung Nomination Night nung Linggo ay 6.7 percent.

Anino... actor, walang kahiya-hiya sa paghuhubad

Congratulations sa buong team ng stageplay na Anino sa Likod ng Buwan na nagkaroon ng last performance sa PETA noong Linggo.

Napakagaling nilang tatlong bida rito na sina Elora Espano, Ross Pesigan, at Martin del Rosario at napaka-daring, walang kiyeme sa hubaran.

All-out din ang paghuhubad dito ni Ross Pesigan na ang tagal niyang naka-hubo’t hubad sa stage.

“Audition pa lang ho umoo na ako!” bulalas ni Ross.

“Talagang ipinilit pa raw niya sa direktor nilang si Tuxqs Rutaqiou na dapat ay maghubad siya doon nang buong-buo. Pinilit ko nga kasi nung una nahihiya pa si Sir Tuxqs, ganyan. Na-realize ko, pag ipinakita ko kasi nang buo tapos ganun yung context, hindi nila bibigyan ng malisya. Pero mas ma-alienate pa lalo sila.

“So dinifend ko kay Sir Tuxqs, ‘hindi Sir Tuxqs ganito dapat yung ano…ipinaglaban ko siya. Kaya after nun, actually mas kumportable ako kasi hindi nabibigyan ng malisya yung hubad. Kesa kunyari, tinatago ko pa, dun ako mas nahihiya,” dagdag niyang pahayag.

Kaya sa mga interesadong panoorin itong Anino sa Likod ng Buwan na magkakaroon ng rerun sa October ng taong ito.

 

ACTRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with