Abalos, pasok sa Magic 12 ng kabataan
MANILA, Philippines — Pasok si dating Interior Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos Jr. sa Magic 12 na iboboto ng mga kabataan na sumagot sa election survey ng Centre for Student Initiatives (CSI).
Nakakuha si Abalos ng 26.92% sa online na botohan na isinagawa mula Pebrero 25 hanggang Marso 11, sa may 1,200 na respondent mula sa mga katuwang na organisasyon ng mga estudyante na mula sa lalawigan ng Cagayan sa hilaga hanggang sa Lanao del Norte sa timog.
Ang CSI ay isang malayang institusyong pinamumunuan ng kabataan at itinutuon sa pananaliksik para sa mga solusyong pangkaunlaran sa edukasyon at pakikilahok ng kabataan sa pamamahala.
Bilang dating Mayor ng Mandaluyong, pinangunahan ni Abalos ang mabilis na urban development ng lungsod na nagbunsod sa pagkilala d ito bilang “Tiger City of the Philippines” gayundin ang mga proyektong pabahay, Project TEACH, na programa para sa mga batang may kapansanan, paglulunsad ng Garden of Life Park na libingan para sa mahihirap, ang pangunguna “Vax as One” at kampanya laban sa iligal na droga sa pamamagitan ng law enforcement at rehabilitasyon o ‘BIDA Program.”
- Latest