^

Police Metro

Magdyowa na ibinenta ang sanggol ng P30K pambili ng shabu,tiklo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang maglive-in partner ang inaresto matapos nilang ibenta sa halagang P30,000 ang isang bagong silang na sanggol na bunso nilang anak upang ipambili ng shabu sa Cebu City.

Ang mag-live in partner na itinago sa pangalang Jay at Karen ay nasakote sa follow-up operations ng pulisya habang naglalaro ng tong-its sa kanilang lugar.

 Ayon sa pulisya, ang sanggol na 22 araw pa lamang naipapanganak ay ibinenta ng mag-live-in partner sa halagang P100,000,subalit P30,000 lamang ang napunta sa kanila dahil ang P57,000 ay middlemen at ang natitira ay ipinambayad sa medical bills sa panganganak ng ginang.

Ang ginang ay nanganak sa Cebu City Medical Center noong huling bahagi ng Pebrero at nanatili sa hospital hanggang nitong unang linggo ng Marso.

Gayunman, nadiskubre lamang ang insidente matapos namang maikuwento ng menor de edad na anak ng mag-live in partner sa kanilang kapitbahay na ibinenta ng kaniyang mga magulang ang kanilang beybi at nangako umanong ibibili siya ng cellphhone pero hindi ito tinupad.

Kaya’t napilitan ang nasabing concerned citizen na ireport sa mga otoridad ang insidente na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspect.

Nabawi naman ang sanggol sa Brgy. Guadalupe, Cebu City sa isang nurse na bumili na ang mister ay isang military officer.

SHABU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->