Drug war ni Ian Veneracion, eeksena sa International Market

Kasunod ng matagumpay na series na The Bagman, bukod pa sa malalaki nilang pelikula na ipinalabas sa mga sinehan, handa na ang boutique creative house and production company Rein Entertainment na ilunsad ang crime drama series na Drug War: A Conspiracy Of Silence.
Ito ang pinangako ni Ms. Charm Guzman, managing producer ng Rein Entertainment sa ginaganap Hong Kong Film Market na magtatapos ngayong araw.
Ang Drug War: A Conspiracy Of Silence, sa direksyon ni Shugo Praico, ay sinusundan ang kuwento ng isang pari mula sa isang privileged background na nakikipagtulungan sa isang pulis upang diskubrehin ang mga pangyayari sa likod ng pagkamatay ng kanyang nawawalang protégé, starring Ian Veneracion.
Ang nasabing series ay base sa totoong mga pangyayari pero wala umanong pinatutungkulan ang kuwento kundi paglalahad lang ito ng mga pangyayari katulad ng ginawa nilang paglalahad ng kuwento sa The Bagman.
Naging headline ang Pilipinas dahil sa war on drugs na ngayon ay patuloy pa ring pinag-uusapan dahil sa nagaganap na imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kay dating presidente Rody Duterte.
Pero ayon kay Ms. Charm higit sa issue ng ICC or sa war on drugs, mas maiintindihan ng mga manonood sa Drug War ang epekto ng droga.
Katatapos lang ipalabas ng Rein ang Caretakers starring Iza Calzado and Dimples Romana na gumanap bilang dalawang ina na naging madugo ang pagkakakilala dahil sa makabagong paniniwala at paniniwalang ispirituwal.
Nauna nang nakipagsosyo ang kumpanya sa Regal Entertainment at Mother Earth Foundation para sa Caretakers.
Ganundin sa Viva Films para sa pelikulang Elevator.
Nakikipagtulungan naman sa kasalukuyan ang Rein sa mga critically-acclaimed filmmakers para Korea-set suspense thriller Friday The 14th, directed by and starring Bela Padilla.
This year ay magce-celebrate ng 8th year ang boutique creative house and production company kung saan mas pinalalawak pa nila ang kanilang reach sa pamamagitan ng pakikipag-collab hindi lang sa mga local movie production kundi maging sa international market.
Kaya naman in full force ang Rein Entertainment sa nagaganap na HK Filmart, sa pangunguna nina Direk Lino Cayetano, Ms. Charm (Managing Producer) and Ms. Maryruth Beng Maximo, Marketing and Research Officer, bilang bahagi ng 80-member delegation ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), na pinamumunuan ni Direk Joey Reyes, at this year’s massive film market na ginaganap sa Hong Kong Convention and Exhibition Centre, with more than 760 exhibitors from 34 countries and regions. Sa nasabing 4-day event, local producers have the opportunity to connect with various producers and networks from around the world.
Pero ayaw pa nilang banggitin kung saan-saang bansa at streaming platform mapapanood ang Drug War.
- Latest