^

PSN Showbiz

Derrick natakot, Elle naaksidente sa Switzerland

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Derrick natakot, Elle naaksidente sa Switzerland
Derrick Monasterio at Elle Villanueva
STAR/File

Ngayon lang naikuwento ni Derrick Monasterio sa media conference ng bagong murder drama series nilang Slay na naaksidente pala ang girlfriend niyang si Elle Villanueva nung nagbakasyon sila sa Alps, Switzerland.

Kuwento ng Kapuso hunk, “Nagpapa-picture ako sa kanya tapos bigla siyang nadulas sa slope, kasi hindi namin makita ‘yung sobrang foggy e. Hindi namin makita ‘yung baba.

“So, nahulog siya dire-diretso. Para siyang gumugulong-gulong. Para siyang nag-snowball, lahat ng gamit niya kumalat na ru’n.

“Mataas ‘yun. Mga two floors ‘yung pa-slide. Tapos dun sa pinakadulo may 10-feet drop. So, may hulog pa. Buti na lang may isa pang flat na road na nandun siya nahulog. And buti na lang walang nangyari, na hindi siya na-injure.

“After nu’n, sinundan ko siya na parang natawa siya. So, natawa na rin lang ako na parang hindi namin na-process masyado kung ano ‘yung nangyari.

“Pagdating namin ng van, dun ako naging emotional na parang ‘anong nangyari?’”

Mabuti at wala naman daw sugat o fracture kay Elle. Pero parang tumigil daw ang mundo nila sandali at may napagtanto raw siya sa karanasang ‘yun.

“Siguro, masyado kasi kaming dalawa na sobrang fast-paced. Ano next, anong oras natin ‘to gagawin, anong schedule natin. Masyadong excited. Siguro ito parang hinay-hinay lang, importante ‘yung buhay n’yo. Parang ganun siguro ‘yung message na sinabi sa amin,” saad ni Derrick.

Si Derrick Monasterio ang lead actor sa Slay kasama sina Julie Anne San Jose, Gabbi Garcia, Mikee Quintos at Ysabel Ortega.

Medyo may pagka-daring ang role dito ni Derrick na napapa-topless siya sa mga eksena.

Sinabi naman daw sa kanya kung bakit siya ang pinili sa project na ito.

Aniya, “Actually sinabi nila sa akin bakit ako, kasi ako daw ‘yung parang physically bagay sa role kasi gym instructor, tapos parang taong gym ganun. Tapos siguro nakita nila ‘yung mga nakakilala sa akin na ‘ah medyo may ego ang taong ito, sige pasok na natin dito,’ ganun. So parang minatch talaga nila sa akin.”

Magsisimula na ito sa darating na Lunes, March 24, pagkatapos ng Mga Batang Riles.

Pero matagal na itong nag-streaming sa Viu na naka-sampung episodes na ito ngayon.

Eric, senti sa paggiba sa Dolphy Theater

Sa darating na Linggo na ang Star Awards for TV ng PMPC na gaganapin sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Si Eric Quizon pala ang director nito at naisip niyang baka ‘yun na raw ang huli niyang trabaho sa Dolphy Theater.

Mag-emote kaya siya o mag-senti dahil sa nalalapit na pagsasara ng bahaging ‘yun ng ABS-CBN?

Nakarating nga raw sa kanya ang naganap na bentahan nito at nakatakda na itong gibain.

Nung makatsikahan namin siya sa story confe­rence ng bagong pelikulang gagawin nila na Jackstone 5, parang hindi pa raw talaga nag-sink in sa kanya ang malungkot na balitang ‘yun. “Of course nung nakita ko, ‘ah okay…’” pakli ni direk Eric.

“Hindi pa siya nagsi-sink in e. Kasi una sa lahat, hindi naman namin pag-aari ‘yun. Parang, it was given… kumbaga parang binigay ‘yung pangalan ng daddy ko ‘yun in honor of him.

“Pero like I said nga this Sunday magdidirek ako ng Star Awards and sa Dolphy Theater siya gagawin.

“So, ayun siguro magiging… I don’t know, baka mag-senti ako dun. Baka mag-walling ako dun,” napangiti niyang pahayag.

Baka nga raw itong Star Awards for TV ang huli na niyang pagpasok sa Dolphy Theater na naging bahagi rin ito sa kanyang career bilang aktor, direktor at pati na rin sa kanyang pamilya.

Kahit nga raw ang kanyang ama ay malaki rin daw ang bahagi nito sa kanyang karera bilang aktor at Hari ng Komedya.

“Pero imadyinin n’yo ‘yung history ng ABS, parang… ‘di ba ‘pag pumasok ka ng ABS nakapaskil pa nga dun is, this building was built in 1950 something, may mga ganun pa nga siya e. Sa Daddy ko ‘yung buhay artista… he has a very good relationship with the Lopezes. Siyempre parang my Dad is part and parcel of ABS,” sabi pa nito.

Pero sinundan namin ng tanong na nangyari ito dahil sa ginawa ng taong nagpasara ng naturang istasyon.

Hindi rin maganda ang nangyari sa taong ito na nahaharap sa paglilitis.

Napaisip si direk Eric na mukhang nag-iisip ng safe na sagot, dahil ayaw niyang maging political pa ito.

“Like I said, even if my Dad is part and parcel of ABS CBN, wala naman akong magagawa e. Wala tayong magagawa. I think it’s more on the legacy of… not just my Dad, but the whole of ABS.

“Imadyinin mo ‘yung tower na ‘yan, ang tagal na nandiyan tapos mawawala ‘yung tower ‘di ba?

“Nakakalungkot isipin. But huwag na nating isama ‘yung politics dito.

“Kasi as it is, what’s going on in our country parang I don’t know… it’s sad na kailangan mo ba talagang magsiraan? Kailangan mo talaga tayong dumaan sa… kailangan ba nating manira nng isa’t-isa, just to get what you want?

“So ‘yun lang ‘yung mahirap sa sitwasyon natin ngayon.

“Siyempre, parang sagot ng mga beauty contestant ‘di ba? World peace.

“Sana manaig lang talaga ‘yung peace sa bansa natin e. Kasi mahirap ang giyera. Mahirap din ‘yung dumaan tayo sa ganun na puwede naman tayong magkasundo ‘di ba?” seryosong pahayag ni direk Eric Quizon.

Samantala, excited si direk Eric sa pagbabalik-acting niya sa pelikula dito sa comedy-drama na Jackstone 5 kasama sina Gardo Versoza, Arnel Ignacio, Jim Pebanco at direk Joel Lamangan na siya ring magdidirek ng pelikulang ito.

DERRICK MONASTERIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with