^

Bansa

Pag-aresto kay Duterte, nagtaas sa popularidad ng Duterte Youth Partylist

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatulong sa Duterte Youth Partylist ang isyu ng pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang lumabas sa pinakabagong 2025 Pre-Election Party-List Preferential Survey ng Tangere kung saan nakapagtala ng 3% pagtaas sa voter preference ang Duterte Youth Party-List.

Ang pagtaas na ito ay pinangungunahan ng mga botante mula sa Visayas at Mindanao na may edad 18-30 taon.

Kasunod ng Duterte Youth Party-List, apat na party-list ang ­inaasahang magkakaroon ng tig-dalawang puwesto sa Kongreso ang 4PS – 7.00%; ACT-CIS – 4.50%; Tingog – 4.50% at Ako Bicol – 4.33%

Samantala, 40 iba pang party-list ang tinatayang makakakuha ng tig-isang puwesto.

Ang survey ay isinagawa noong Marso 12-15, 2025, gamit ang isang mobile-based ­respondent application na may sample size na 2,400 kalahok gamit ang Stratified Random Sampling method (Quota Based Sampling).

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->