^

Pang Movies

Enrique, mahal pa rin si Liza?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Enrique, mahal pa rin si Liza?!
LizQueen

Hanggang ngayon ay love pa rin daw ni Enrique Gil si Liza Soberano.

Ayon sa tsika ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog with Mama Loi, nae-excite pa rin daw si Quen sa tuwing nakakatanggap ng message mula kay Liza.

Tinanong ni Mama Loi si Ogie kung para pa rin ba kay Liza ang puso ni Enrique at mabilis na “oo” ang sagot ng dating manager ni Liza.

“Kasi ang alam ko, parang nagte-text o nagme-message si Liza kay Enrique, sobra raw excited si Enrique. Kinikilig pa rin. Love pa rin niya si Liza,” sey ni Ogie.

Pero sey naman ng isa pa nilang co-host na si Dyosa Pockoh, ang tanong daw ay kung love pa rin ni Liza si Quen.

Sagot naman ni Ogie, “that, I really don’t know. Kasi ‘di ba, may love life naman si Liza? ‘Yung kanyang tumatayong manager.”

Ang tinutukoy ni Papa Ogs ay si Jeffrey Oh na natsitsismis ngang boyfriend ni Liza aside from being a manager although wala pa namang pahayag ang sinuman sa kanila tungkol dito.

“Let’s wait and see,” sambit pa ni Ogie.

Anyway, bagama’t sinasabi ngang matagal nang break sina Liza at Quen ay wala pa rin namang kumpirmasyon ang dalawa tungkol dito. Ang lagi ngang sinasabi ng aktor sa tuwing tatanungin siya ay okay naman sila.

Matatandaan ding noong 2023 pa kinumpirma ni Ogie ang hiwalayan ng LizQuen at isa umano sa dahilan ay gustong mag-focus ni Liza sa kanyang career abroad.

Maraming beses na ring nabanggit ni Ogie na kahit break na sila ay patuloy pa ring naghihintay at umaasa si Quen na sila pa rin ni Liza sa huli.

Ara, kinalimutan muna ang pag-aanak!

Inamin ni Ara Mina na nagulat ang asawa niyang si Dave Almarinez nang sinabi niya na tatakbo siya ngayong mid-term elections bilang councilor ng 2nd district ng Pasig.

Hindi raw kasi nito ine-expect na papasok siyang muli sa politics dahil ang usapan nga nila ay magkaroon na ng baby this year.

“Ang tagal bago ko nasabi sa kanya,” sambit ni Ara nang makatsikahan ng entertainment press sa bonggang mediacon niya last Monday kung saan nga ay opisyal niyang inanunsyo ang kanyang pagtakbo.

“Okay na din naman (kay Dave), nasabi ko na naman sa kanya. Sabi ko, ‘wala, eh, ito talaga ‘yung roots ko, hometown (ang Pasig), ito ‘yung nasa loob ko,’ and I’m very decided emotionally, mentally, physically prepared. Talagang prepared na ako to run for public office,” sey ni Ara.

At dahil dito, siyempre, medyo made-delay na naman ang baby plans nila.

“Baby Pasig muna,” natatawa niyang sabi.

“Pero pwede namang isingit (ang paggawa ng baby),” natatawang hirit niya.

Pero ang pag-aartista ay hindi naman daw niya tatalikuran sakali mang manalo siya. Idol nga raw niya si Star for All Seasons Vilma Santos na kahit public servant ay naisisingit pa rin ang paggawa ng acting project.

“Kumbaga ang showbiz nandiyan ‘yan, eh, hindi mawawala ‘yan. Siyempre magpo-focus tayo dito (sa pagsisilbi sa bayan) pero tulad nga ng sinabi ko meron pa kasi akong movie na hindi natapos at tatapusin after eleksyon.

“Madali na namang gawin ang isang movie ngayon hindi tulad noon na eight months (inaabot) pero ngayon ilang days na lang natatapos na ang isang movie,” aniya.

“If there is a good offer, parang si Ninang Vilma, ‘di ba?  Nakakagawa rin siya ng movie once in while kahit nakaupo siya pero naka-focus siya sa public service.

“So, siguro ganu’n, we’ll never know bahala na si Lord pero magpo-focus ako sa public service kapag tayo’y nanalo,” dagdag niya.

Kasama rin ni Ara sa mediacon ang kanyang kapartido na si Sara Discaya na tumatakbo namang Mayor ng Pasig.

Dahil nasa kalabang Partido siya ng Pasig Mayor reelectionist na si Vico Sotto, natanong din si Ara kung hindi ba sila magkakaroon ng conflict ng ama nitong si Vic Sotto na kasamahan din niya sa showbiz.

“Knowing Bossing, hindi naman siya ano, eh. Matalinong tao si Bossing, hindi para magkaroon ng ganoong problema. Kasi, may kanya-kanya naman tayong preference, may kanya-kanya tayong journey, so I don’t think na sasama loob ni Bossing sa ganu’n,” sagot ng aktres.

Sa mga nagtataka kung bakit sa Pasig tatakbo si Ara, legit na Pasigueña ang aktres at ang ancestral house nila ay located sa Santolan, Pasig. Dito raw ipinanganak at lumaki ang kanyang ina at naging Mutya pa ng Pasig.

ENRIQUE GIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with