^

Probinsiya

Magdyowang abogado inambus, 1 patay!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Magdyowang abogado inambus, 1 patay!
Sa ulat nitong Martes ni Lt. Col Jackson Lopez, Datu Odin Sinsuat Police chief, agad na namatay sa mga tama ng bala ang accountant-lawyer na si Junisa Kimamao sanhi ng naturang pananambang.
FIle

Nakatakda na sanang ikasal

COTABATO CITY, Philippines — Patay sa mga tama ng bala ang isang abogada habang sugatan ang kanyang nobyong ­abogado na nakatakda nang ikasal nang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong hapon ng Lunes.

Sa ulat nitong Martes ni Lt. Col Jackson Lopez, Datu Odin Sinsuat Police chief, agad na namatay sa mga tama ng bala ang accountant-lawyer na si Junisa Kimamao sanhi ng naturang pananambang.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay si Kimamao at ang nobyong abogado na si Ibrahim Pindatu ng isang sports utility vehicle (SUV) nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki na nakaabang sa gilid ng highway sa Barangay Awang.

Idineklarang dead-on-the spot si Kimamao matapos mapuruhan ng bala habang nagtamo ng maselang mga tama ng bala sa katawan si Pindatu, na ginagamot na sa isang hospital sa Cotabato City, walong kilometro mula sa kung saan naganap ang ambush.

Sa salaysay ng mga kamag-anak, nakatakda na sanang ikasal sina Kimamao at Pindatu sa dararting na Abril na ayon sa tradisyong Islam.

Inaalam pa ng mga barangay officials at mga imbestigador ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station kung sino ang mga responsable sa pag-ambush sa magkasintahang parehong abogado upang masampahan ng mga kaukulang kaso.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with