Lalaking hubo’t hubad tumalon sa hotel, todas
MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang lalaki na hubo’t hubad matapos umanong tumalon mula sa ika-4 palapag ng hotel na tinutuluyan sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.
Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU- QCPD), ala-1:30 ng madaling araw nang matagpuang patay ang biktima sa ground floor ng isang hotel sa Brgy. South Triangle, Quezon City.
Sa imbestigasyon ni P/SSg Jomar Valdez ng Kamuning Police Station 10 ng QCPD, alas-9:10 ng gabi nitong Linggo ay nag-check in ang biktima sa Room 404 sa ika-4 na palapag ng hotel para sa 10 oras na pamamalagi.
Bandang alas-11:00 ng gabi ay nakita ng hotel room attendant ang biktima na hubo’t hubad habang gumagala sa hallway kaya pinayuhan itong bumalik sa kanyang silid.
Pagsapit ng ala-1:30 ng madaling araw habang nagro-roving ang security guard ng hotel ay nakarinig ito ng malakas na kalabog mula sa likuran.
Nang alamin kung ano ang nahulog at doon niya nakita ang duguang katawan ng biktima na nakahandusay sa semento.
Naisugod pa sa East Avenue Medical Center ang biktima pero binawian din ito ng buhay. Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya kung may foul play.
- Latest