Long series
Unang nakasapol ang TNT Tropang Giga.
Nakaresbak naman ang Barangay Ginebra sa ikalawang salpukan.
Pandagdag rekado pa ang muling pagmamaktol ni Poy Erram.
Papainit na ang salpukang TNT kontra Ginebra para sa PBA Commissioner’s Cup crown na inaasahan naman talagang exciting na titular matchup.
Labanan para sa 2-1 lead ang tema sa resumption ng series ngayong gabi sa PhilSports Arena sa Pasig.
Double-bladed weapon – lupit sa opensa at depensa – ang ginamit ng Tropang Giga sa pagsungkit ng 95-89 series-opener win, samantalang lockdown defense ang pinakamalaking susi sa 71-70 bounceback victory ng Gin Kings sa Game 2.
Parehong matalinong tacticians sina coach Chot Reyes at Tim Cone kaya’t matinding basahan ng baraha ang malaking sahog sa kanilang duwelo.
Noong Game 2 nga, dominante ang Gin Kings sa first 40 minutes, pero konting pagbabago ng balasa eh biglang nakaarangkada ang Tropang Giga, at muntik pang agawin ang game.
Wala naman sa dalawa ang umaasa ng madaling serye. Alam nilang pitpitan ang laban at kailangang trabahuhin ng husto ang pagkuha ng korona.
Sukatan at timbangan pa rin lang ng kakayahan ang laban sa Game 3, dahil malamang na mahabang serye ang TNT-Ginebra title clash.
- Latest