Hiyasmin (225)
“NANG matapos ang kapana-panabik na ritwal, pareho kaming humingal at nakadama ng pagod. Sa kabila niyon, nakangiti nang buong tamis si Rashid. Hinawi niya ang buhok na tumakip sa aking mukha at saka nilagdaan ako ng halik sa labi.
“Pagkatapos ay tumayo na siya at naunang lumabas mula sa banyo. Nagmamadali siya sapagkat malapit nang dumating ang kanyang mga magulang mula sa trabaho. Nagtungo siya sa kanyang silid.
“Ako naman ay ipinagpatuloy ang paglilinis sa banyo. Habang kinakaskas ko ang dumi sa inidoro ay nakangiti ako. Ninanamnam ko pa ang masarap na pagsasalo namin ni Rashid. May pagkakataon na natitigilan ako. Totoo kayang mahal ako ni Rashid? Iniibig kaya niya talaga ako?
“Nang dumating ang aking mga amo mula sa trabaho ay wala silang nahalata na mayroong nangyari sa amin ni Rashid. Hindi ko naman nakitang lumabas ng kanyang kuwarto si Rashid.
“Kinabukasan, nang wala na ang aking mga amo at kapatid na babae ni Rashid, bigla niya akong nilapitan habang nagpupunas ng mga pigurin sa salas. Hinawakan ang kamay ko at saka hinalikan sa labi. Hindi ako nakakilos.
“Hanggang sa niyaya niya ako sa kanyang kuwarto. Inihiga ako sa malambot niyang kama. Inalis niya ang pagkakabutones ng aking damit. Hanggang sa bra at panty na lamang ang naiwan.
“Parang sinisilaban ang katawan ni Rashid at ako man ay ganundin. Mas mainit ang naramdaman namin kaysa sa unang paghaharap kahapon—kapwa kami sabik na sabik!”
Itutuloy
- Latest