Cookie ni Rhian, paboritong dessert ni Sam

MANILA, Philippines — Maging si Regine Velasquez ay malungkot na babu na sa market ang Luxxe White ng kumpanyang Frontrow na kabilang siya sa mga naging endorser. Nag-post pa si Regine ng “Such sad news. Salamat sa 15 years.”
Hanggang the other day nga, nung humarap sa ilang entertainment writers ang Frontrow business partners na sina RS Francisco at Sam Verzosa ay wala pa silang naibigay na konkretong sagot kaugnay sa desisyon nilang itigil na ang pagpo-produce ng best-selling product line nilang Luxxe White.
Maraming factors, ayon sa mag-business partner na akala pala ng iba ay may relasyon.
Tumatakbong mayor ng Maynila sa May elections si Sam kaya may nag-iisip na baka may kaugnayan ito sa pulitika, pero aniya, maraming factors ang involved sa desisyong ito. And sadly, wala diumano silang kontrol sa mga ito.
Umabot sa 15 years ang pamamayagpag ng nasabing produkto sa ilalim ng Luxxe White product line kaya nagdesisyon na rin sila na baka ito na nga ang tamang panahon na itigil na ang pagbebenta nila nito.
Hanggang bukas, Sabado, March 15, na nga lang mabibili ang mga nasabing produkto.
Kasabay raw nito ang pagbibigay ng paglilinaw nila sa mga tanong ng mga taong umaasa rito – distributors at customers.
Sabi ni RS : “Napuyat kami kagabi kakaisip kung anong gagawin namin, gusto namin by Saturday, meron nang sagot.”
Sinabi rin nilang walang kinalaman dito ang pulitika.
Wala rin umanong naging problema sa FDA (Food and Drug Administration) o sa DTI (Department of Trade and Industry).
“As of now, maraming nag-pi-PM sa akin, hindi ko pa alam ang isasagot,” turan naman ni RS.
Samantala, napag-usapan din sa nasabing intimate lunch ang suporta ng GF ni Sam na si Rhian Ramos sa kanyang kandidatura.
Inamin ni Sam na tulad ni RS, hindi pabor ang aktres sa desisyon niyang pasukin ang pulitika tho dati na siyang nakaupo as representative ng Tutok to Win Partylist.
In fact, nag-break pa raw sila dahil sa pulitika. Pero unti-unti, nakita nito ang passion ni Sam sa pagtulong sa kapwa.
Ngayon aniya ay tumutulong ito Ayon kay Sam, napakagandang impluwensiya ni Rhian sa kanya.
“Alam n’yo, ang role ng partners natin is to give us support, peace of mind, advise. Kasi sila ‘yung lagi mong kasama. Kaya ‘yun ang pinakaimportanteng gagawin mo sa buhay mo, piliin ‘yung partner mo, kasi ito ‘yung magiging influence mo, eh,” paliwanag niya.
Hindi man direkta, pero tipong si Rhian na nga ang “the one” ni Sam.
Nang tanungin kung kailan niya gagawing pormal ang lahat, sagot ng mayoral candidate, “Malapit na. Tapusin ko lang ‘yung eleksyon. Siyempre ayaw natin maging traditional politician na ginagamit ‘yung showbiz para lang sa eleksyon. Hindi po tayo ganu’n at meron po tayong integridad.”
Ang pagiging simple raw ng aktres ang isa sa mga nagustuhan niya rito.
“Alam n’yo, kung makikilala n’yo siya, ‘di siya ma-designer na bags, clothes. May mga matagal na sa showbiz, ‘di nakapag-ipon dahil nauna ‘yung mga luho. Si Rhian, kaya pala nakapag-ipon siya, nakapag-invest siya in life, nahawakan nang maayos ang pera niya. Napakasinop niya sa pera, sa gamit. Kaya nga ako, ang laki ng impluwensiya niya sa akin. Mas naging simple ako dahil sa kanya.
“As in dati kasi very extravagant kami, galing kaming wala, nu’ng nagkapera, excited kang bigla. Ngayon, nabalik ako sa simple dahil sa kanya. Wala na, wala ka nang dapat i-prove sa buhay, kaya natuto ako sa kanya ng kasimplehan, pagtitipid, pagka-praktikal, basically. ‘Pag hindi naman kailangan, hindi niya… napakagandang impluwensiya sa akin si Rhian,” papuri ni Sam sa actress-GF.
And yes, suportado rin niya ang baking career nito’t ang negosyong Bas Bakes Cookies.
“Natikman ko na ‘yung cookie ni Rhian,” pagmamalaki ni Sam. “Talaga namang napakasarap!… Ang bango! Kasi ‘pag bagong luto, mainit-init pa. ‘Di naman moist pero … napakasarap naman kasi. Natikman n’yo na, ‘di ba?”
Nilinaw Rin niya na hindi naman laging naka-bikini si Rhian ’pag nagbe-bake ‘di gaya ng viral socmed post para sa Bas Bakes launch.
- Latest