^

Probinsiya

Bulacan naalarma sa ‘fake news’ sa missing person

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Bulacan naalarma sa �fake news� sa missing person
tock photo shows a woman on a laptop showing "fake news."
memyselfaneye / Pixabay

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Bilang tugon sa nakaaalarmang pagdami ng post ng mga hinihinalang “missing person’ online, nagpulong sina Gov. Daniel Fernando kasama ang ilang mga punong bayan at lungsod sa pangunguna ni Bocaue Mayor at LMP Bulacan Chapter President Eduardo Villanueva Jr. para talakayin ang kalagayang pangkapayapaan, kaayusan, at seguridad sa lalawigan na ginanap sa Mighty King Chinese Restaurant sa Guiguinto, Bulacan.

Nanawagan si Fernando na itigil ang pagpapakalat ng mga “fake news” sa social media gaya ng mga insidente ng kidnapping na nagdudulot lamang aniya ng pangamba at takot hindi lang sa mga Bulakenyo kundi sa lahat ng Pilipino sa buong bansa.

“Hindi lamang po sa Bulacan nagaganap ang nasabing pagkalat ng fake news online. May mga napaulat din po sa Pasay, Las Piñas, Rizal, at marami pang iba at matagal na ring nagaganap ang mga ganitong uri ng disinformation at misinformation,” anang gobernador.

Samantala, ipinunto ni Villanueva na dahil sa takot sa mga nakaaalarmang post sa social media, hiniling ng mga may-ari ng convenience stores sa pulisya na magtayo ng checkpoints malapit sa kanilang establisimyento o magbantay sa kanilang lokasyon. Gayunman, karagdagang trabaho ito sa mga pulis, kaya naglabas ang lokal na pamahalaan ng ordinansa na nagmamandato sa mga may-ari ng convenience stores na magtalaga ng kanilang sariling guwardya.

FAKE NEWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with