^

Probinsiya

Babae tepok sa sunog sa Batangas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Patay ang isang babae matapos makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nitong tahanan sa Brgy. San Juan, Mabini, Batangas nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Michelle Hernandez, residente ng Brgy. San Juan sa bayang ito.

Sa inisyal na ulat ng Batangas Fire Marshal, ang nasabing biktima ay nag-iisa sa kaniyang tahanan nang mangyari ang sunog.

Ang biktima ay nabi­go nang mailigtas dahil sa nababalutan na ng apoy ang buong kabahayan.

Nagresponde naman ang mga bumbero sa lugar matapos matanggap ang report sa nagaganap na sunog na inapula ng mga ito.

Nadiskubre naman ang bangkay ng ginang sa isinagawang mopping-up operations ng awtoridad.

BATANGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with