Ex-pulis na wanted sa murder, timbog
Nagtago ng halos 20 taon
MANILA, Philippines — Isang dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang nasakote ng mga tauhan ng Makati City Police sa lalawigan ng Pampanga matapos magtago ng halos 2 dekada.
Sa ulat ni Makati City Police Station chief, PCol. Jean Dela Torre, nadakip ng mga tauhan ng Station Intelligence Section at Makati Warrant and Subpoena Unit ang wanted na si “Nico”, na may kasong murder sa Makati City Regional Trial Court, Branch 142 na naisampa noong 2006.
Dakong alas-10:15 ng umaga ng Marso 5, 2025 nang arestuhin si Nico sa Block 7 Lot 1 Phase 1, Montana View, Brgy. Panipuan, San Fernando, Pampanga, sa pakikipagtulungan ng Pampanga Police Provincial Office, San Fernando City Police Station, Mexico Municipal Police at Macabebe Police, 1st at 2nd Provincial Mobile Force Companies, at Special District Investigation and Detection Team-Regional Investigation Unit, National Capital Region-Integrity Monitoring and Investigation Group SDIT RIU-NCR-IG,
Pansamantalang nasa custodial facility ng Makati CPS si Nico na nakatakdang i-turn over sa korte.
- Latest