Reklamo vs 2025 budget, ‘diversionary tactic’ sa impeachment - solons
MANILA, Philippines — Diversionary tactic ang tingin ng mga kongresista sa plano ng mga kaalyado ni Vice President Sara Duterte na maghain ng reklamo laban sa mga lider ng Kamara kaugnay ng 2025 national budget.
Ayon kina Deputy Majority Paolo Ortega ng La Union at Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales ang paghahain ng reklamo kina Speaker Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, at dating pinuno ng Appropriations panel na si Zaldy Co ay isa lamang pamumulitika at layuning pahinain ang liderato ng Kamara.
“Walang basehan ang mga ito, another fantasy at fiction. Obvious na layunin nitong ilihis ang atensyon ng publiko mula sa tunay na isyu - ang impeachment trial ni VP Duterte,” ayon kay Ortega.
“Huwag nilang gawing panakip-butas si Speaker Romualdez para takasan ang pananagutan,” saad pa ng mambabatas mula sa La Union.
Sinabi naman ni Khonghun na ang mga alegasyon laban sa Speaker ay isa lamang pagtatangkang siraan ang malaking suporta ng Kamara sa impeachment laban kay Duterte.
Kahina-hinala rin ayon kay Khonghun ang timing ng ibinabatong isyu laban kay Speaker Romualdez na lumutang makaraang dalhin na sa Senado impeachment complaint laban kay Duterte na malinaw anyang diversionary tactic.
- Latest