^

Punto Mo

Extended or not, Marbil gusto peaceful ang May elections!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MAGIGING makabuluhan ang extension ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil dahil ipagpapatuloy niya ang mga magandang nasimulan sa organisasyon.

Nakorner ng media si Marbil sa NCRPO headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City at kinulet siya tungkol sa plano ni President Bongbong Marcos na i-extend ang kanyang termino hanggang Hunyo.

“Extension is sabi ko I will be happy kung extend. Kung hindi, I will always be happy,” ani Marbil. Hindi lang naman si BBM ang nag-float ng extension ni Marbil kundi ganun na rin ang ibinando ni DILG Sec. Jonvic Remulla.

Inamin naman ni Marbil, na kapag hindi siya na-extend, maraming magagaling na opisyal ng PNP na capable at able na pumalit sa kanya. Anong sey n’yo mga kosa?

Eh di wow! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Si Marbil, na miyembro ng Philippine Military Academy Sambisig Class of 1991, ay hinirang na pang-30th PNP chief noong Abril 1, 2024. Siya ay nakatakdang magretiro sa darating na Pebrero 7.

Kapag ma-extend ang termino niya, nais ni Marbil na ipagpatuloy ang 5-year development plan ng PNP, lalo sa IT ng ACG, para mahabol at matuldukan ang mga cybercrimes. 

“Ang gusto lang natin kasi ito yung nasimulan natin, ito yung reorganization that we are doing in the PNP,” ani Marbil. “Dapat sundan natin para hindi pagka-bago ang chief PNP panibagong idea naman. Dapat tuloy tuloy, yun ang gusto natin,” ang dagdag pa ni Marbil.

May punto si Marbil dito mga kosa? Kasi nga, kapag bago ang PNP chief, abayyy kung anu-anong parte ng rules and regulations ang binabago niya para may maiwan siyang legacy kuno na kalimitan naman ay semplang.

Pati nga pulis ay nahihilo sa mga makabagong na-introduce na sistema. Mismooo! Hehehe! Kanya-kanyang diskarte lang ‘yan!

Kapag hindi naman siya ma-extend, sinabi ni Marbil na maraming potential high ranking PNP officials na handang pumalit sa kanya.

“I don’t want to say shortlist but everybody can be the chief PNP. Lahat naman sila magaling,’ ang giit ni Marbil. “What’s nice ‘yung mga iba they have experiences with others. Ang masasabi ko lang ito na yung plataporma na gusto natin kaya nga sabi ko we come up with yung 5-year development plan ng PNP doon sa IT sa ACG natin, operations natin then reorganization natin that we want to have, yan yung mangyayari. Anything will go kasi diretso naman. Maganda yung transition,” ayon pa sa top cop.

“At least kahit na paano yung mga papalit sa atin alam na hindi nagbabago- bago, hindi napuputol ‘yung direction so we are talking to this people para the President have marami siyang choices kung sino puwede pumalit,” ang paliwanag ni Marbil.

“But right now andami po nating generals that are very, very good, lahat puwede,” ang dugtong pa niya. Maraming qualified na PNP officials na puwedeng pumalit kay Marbil ang hindi makakatulog nang mahimbing dahil open-ended o bitin itong tinuran ni Marbil. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Ambog sa kanding nga may bangs!

Sinabi nina BBM at Remulla na puwedeng ma-extend si Marbil hanggang katapusan ng Hunyo pagkatapos ng May 12 elections. Ayon kay Marbil, tinapos na nila ang 100 days preparation para sa peaceful and orderly midterm election na ila-launch nila sa darating na mga araw. Abangan!

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with