^

Probinsiya

79-anyos ama ginulpi ng adik na anak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
79-anyos ama ginulpi ng adik na anak
Sasampahan ng reklamong physical injury at alarms and scandal ang suspek na si alyas “Aris”, 47-anyos, residente ng Javier Sty., Barangay San Juan, Cainta, Rizal.
STAR/File

CAINTA, Rizal, Philippines — Arestado ang isang lalaki matapos magwala sa kanilang lugar at gulpihin ang 79-anyos na ama sa bayang ito, Biyernes ng gabi.

Sasampahan ng reklamong physical injury at alarms and scandal ang suspek na si alyas “Aris”, 47-anyos, residente ng Javier Sty., Barangay San Juan, Cainta, Rizal.

Sa ulat ng Cainta Municipal Police Station, dakong alas-8:00 ng gabi ng Enero 17 nang maganap ang panggugulpi ng suspek sa ama na kinilalang si alyas “Panlito”, isang retiradong kawani ng gobyerno sa loob ng kanilang bahay.

Sa imbestigasyon, habang kumakain ng hapunan ang biktima at maybahay nito nang dumating ang naghuhuramentadong anak na nasa impluwensya umano ng iligal na droga.

Binugbog umano ng suspek ang ama kaya nagpasaklolo na sa mga opisyal ng barangay.

Sa pagresponde naman ng mga tauhan ng Cainta Police, nadatnan pa nila ang suspek na nagwawala habang malakas ang mga sigaw na nagdulot ng takot sa mga residente, kaya siya binitbit sa presinto.

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with