2 paslit na lalaki, kinustodiya ng DSWD
Nanghalay ng 6-anyos…
MANILA, Philippines — Dalawang menor de edad na lalaki ang nasa pangangalaga ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Mabalacat City, Pampanga matapos silang ireklamo ng umano’y panghahalay ng isang 6-anyos na batang babae.
Ayon kay PCol. Jay Dimaandal, Provincial Director ng Pampanga Police Provincial Office (PPO), nasa edad 8 at 10 ang mga bata.
Lumilitaw sa imbestigasyon na naglalaro ang biktima kasama ang nakababata nitong kapatid sa isang bahagi ng basketball court nang lapitan ng dalawang paslit.
Dito na rin hinila ng 10 years old ang biktima at dinala sa madamong lugar at doon na umano ni-rape.
Nang makauwi ang batang babae, nagsumbong ang biktima sa kaniyang ina, at nagpunta sila sa barangay.
“‘Yung magulang po pinuntahan si barangay chairman and noong nalaman po ng barangay chairman, pinuntahan po nila ‘yung dalawa [na] CICL (child in conflict with the law) and then dinala po sa station ng Mabalacat,” ani Dimaandal.(Doris Franche-Borja)
- Latest