ZUS Coffee lumalabas ang potensyal
MANILA, Philippines — Nakikita na ni veteran Jovelyn Gonzaga ang malaking potensyal ng ZUS Coffee sa kampanya sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.
Bagama’t laglag sa dalawang sunod na kabiguan sa taong 2024 para sa kanilang 2-3 baraha ay kumpiyansa si Gonzaga na babawi ang Thunderbelles ngayong 2025.
“Kumbaga lumalabas na slowly ‘yung potential,” ani Gonzaga sa ZUS Coffee. “Iyon talaga kasi ‘yung kaya nilang gawin din. Like may mga times nagda-doubt so nawawala, so inconsistent, so slowly dahil sa process, lumalabas ‘yung totoong nilalaro ng mga bata talaga.”
Matapos walisin ang Galeries Tower Highrisers (1-5) para sa kanilang unang back-to-back wins ay yumukod ang Thunderbelles sa Foxies (2-3) at nagdedepensang Creamline Cool Smashers (4-0).
“Sobrang grateful kami sa naging outcome ng performance namin. Sayang siya sa sayang, pero part of us happy kami kasi somehow ‘yung paghihirap ng team, during trainings na lumalabas,” wika ng 33-anyos na si Gonzaga.
Unang makakatapat ng ZUS Coffee ang Choco Mucho (3-3) sa pagbabalik ng torneo sa Sabado.
Muling makakatuwang ni Gonzaga sina No. 1 overall pick Thea Gagate, Cloanne Mondoñedo, Mich Gamit, Kate Santiago, Chinnie Arroyo, Gayle Pascual at Shar Ancheta.
- Latest