^

Police Metro

10 katao arestado sa Comelec gun ban

Christian Ryan Sta. Ana, Doris Franche-Borja - Pang-masa
10 katao arestado sa Comelec gun ban
Pinapahinto ng mga tauhan ng Philippine National ­Police (PNP) ang mga motorista sa inilatag na ­Comelec checkpoint sa kahabaan ng EDSA, Caloocan City sa pagsisimula kahapon ng election period para sa 2025 midterm elections.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Sampung katao ang inaresto ng kapulisan sa paglabag sa Omnibus Election Code ng Commission on Elections (COMELEC) gun ban, na nagsimula kahapon.

Ayon kay P/Col. Ferdinand D. Germino, provincial director ng NEPPO, nagsimula ang sabay-sabay na checkpoint operation sa buong lalawigan ng Nueva ­Ecija, alas-12:00 ng madaling araw na hudyat nang pagsisimula ng mahigpit na pagpapatupad ng gun ban para sa 2025 midterm elections.

Nahuli ang pitong suspek sa magkakahiwalay na checkpoint sa lungsod na ito at sa mga bayan ng San Leonardo, Jaen, Quezon at Talavera.

Naaresto ng San Leonardo Police Station ang isang indibidwal at nakumpiska ang isang .38 caliber revolver habang sa Jaen Police Station ay nakahuli rin ng isa at narekober ang isang .9mm pistol na may walong bala.

Sa Cabanatuan City Police Station ay tatlong indibidwal ang nahuli at nasamsam ang dalawang baril. Isang indibidwal din ang naaresto ng Que­zon Police Station at narekober ang dala nitong .9mm pistol habang isa rin ang inaresto ng Talavera Police Station at nakumpiska ang isang .38 caliber revolver.

Samantala,apat indibidwal din  mula sa rehiyon ng  BARMM, Region12 (Soccsksargen), Region 6 (Western Visayas) at Region 3 (Central Luzon) ang naaresto sa gun ban.

Ang 10 indibidwal ay kakasuhan ng paglabag sa section 261 ng Omnibus Election Code Comelec Gun Ban, RA 10591 at RA 9165.

GUN BAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with