^

PSN Palaro

Bulls binigyan ng panalo at parangal si Rose

Pilipino Star Ngayon
Bulls binigyan ng panalo at parangal si Rose
Pinilit ni Chicago Bulls guard Coby White na makawala kay New York Knicks forward Mikal Bridges.
STAR/ Fie

CHICAGO - Nagsal­pak si Coby White ng career-high na siyam na three-pointers para sa kanyang 33 points sa 139-126 pagsuwag ng Bulls sa New York Knicks sa gabing pinarangalan si dating MVP Derrick Rose.

Umiskor din si Zach LaVine ng 33 markers para sa Chicago (16-19).

Nag-ambag si Nikola Vucevic ng 22 points at 12 rebounds habang kumolek­ta si Josh Giddey ng 15 points 10 rebounds at 8 assists.

Pinarangalan ng kopo­nan ang dati nilang kamador na si Rose sa halftime matapos ihayag ng prangkisa na ireretiro ang kanyang No. 1 jersey sa susunod na season matapos sina Michael Jordan (23), Scottie Pippen (33), Jerry Sloan (4) at Bob Love (10).

Binanderahan ni Karl-Anthony Towns ang New York (24-12) sa kanyang 44 points at 16 rebounds.

Kumamada ang Chicago ng 41 points sa kabuuan ng third period at nilimitahan ang New York sa 17 mar­kers para itala ang 104-89 abante mula sa isang nine-point halftime deficit.

Sa Inglewood, California, umiskor si Norman Powell ng 20 points habang may 12 markers si Kawhi Leonard sa una niyang laro sa season sa 131-105 pagpulutan ng Los Angeles Clippers (20-15) sa Atlanta Hawks (18-18).

Sa San Antonio, nagposte si Nikola Jokic ng 46 points at 10 rebounds at pinalungkot ng Denver Nuggets (20-14) ang pagdiriwang ni Victor Wembanyama ng kanyang ika-21 kaarawan sa 122-111 panalo sa Spurs (18-17).

Sa San Francisco, bumira si Andrew Wiggins ng 24 points at may 17 mar­kers si Dennis Schroder sa 121-113 panalo ng Golden State Warriors (18-16) sa Memphis Grizzlies (23-13).

Sa Indianapolis, kumamada si Tyrese Haliburton ng 27 points at may 20 markers si Myles Turner sa 126-108 pagdaig ng Indiana Pacers (18-18) sa Phoenix Suns (15-18).

CHICAGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with