Higit P4.4 milyong marijuana nasabat sa 2 ‘tulak’ sa Caloocan
MANILA, Philippines — Umaabot sa higit P4.4 milyong halaga ng marijuana at high grade kush ang nasamsam ng mga tauhan ng Caloocan City Police sa isinagawang buy-bust operations kasabay ng pagkakaaresto sa dalawang high value drug suspect kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.
Batay sa report na tinanggap ni Northern Police District (NPD) Director PCol. Josefino Ligan, dakong ala 1:35 ng madaling araw kahapon nang isagawa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Caloocan City Police Station, Mentors Village Subdivision, Barangay 175, Caloocan City ang buy-bust operations.
Nadakip si alyas Lester, 21 ng Deparo, Caloocan at alyas Luigi, 27, isang virtual assistant ng Mentors Village Subdivision Brgy. 175 Caloocan City, matapos na bentahan ng marijuana ang undercover operative.
Nakuha sa mga suspek ang 34 marijuana bricks na tumitimbang ng 34,000 grams at nagkakahalaga ng P4,080,000; transparent plastic bag na may lamang 50 gramo ng high-grade marijuana (“kush”) na may halagang P70,000; tatlong plastic bags ng dried marijuana leaves, stalks, at tops na may bigat na 2,300 grams na may halagang P276,000; isang 230 grams na marijuana brick weighing may halagang P27,600.
Kinumpiska rin ang mga non-drug evidence kabilang ang P500 bill at 13 counterfeit P1,000 bills, at 15,000 genuine bills.
Kasalukuyang nakakulong sa Caloocan City Police Station Custodial Facility ang mga suspek.
Ang dalawang ‘tulak’ ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Section 11 at Sec 26 Article II ng R.A. 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.
- Latest