‘Another year, another struggle’
Ngayon ko lang natanggap na hindi pala nagbago ang takbo ng utak at puso ko.
Talagang I was getting older but refusing to grow up. Pero thinking back, narating ko naman ito na hindi nagbago ang ugali at point of view ko.
I was thinking na tama siguro ang ginagawa ko. From the start confrontational na ako, direct to the point magsalita, at pinaninindigan ko na ‘pag ayaw ko, ipinapakita ko.
Meron akong tatlong sinusunod, may kakilala lang, kaaway at kaibigan. ‘Pag kaibigan kita I will take a bullet for you anytime, anywhere.
‘Pag kaaway kita, you’ll never hear the end of it.
Basta kakilala kita, hindi ka makakaapekto sa akin.
Life has been good to me. Showbiz made my life better. Marami akong dapat ipagpasalamat sa naibigay na buhay sa akin ng showbiz. Utang na loob ko sa showbiz ang naging magandang buhay ko.
So for the so many people na dahilan kung bakit ako naging Lolit Solis, thank you so much. Another year, another struggle na sana magaan para madaling malagpasan.
Salamat sa lahat, dear Lord. Forever grateful, bongga.
- Latest