^

PM Sports

14 golds hinakot ng gymnastics team sa Chiu Wai Chung Cup sa Hong Kong

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magarbong tinapos ng national gymnastics team ang kampanya nito sa 2024 season matapos hu­makot ng kabuuang 14 gintong medalya sa Chiu Wai Chung Cup na gi­nanap sa Hong Kong.

Bumandera sa ratsada ng Pinoy squad si Karl El­drew Yulo matapos humakot ng walong gintong medalya sa kaniyang di­bis­yon.

Unti-unting gumagawa ng sariling pangalan si Yulo nang pagharian nito ang juniors individual all-around para magarbong si­mulan ang kampanya nito sa torneo.

Hindi nagpaawat si Yu­lo nang walisin nito ang anim na gintong medalya sa individual apparatus na floor exercise, vault, pa­rallel bars, horizontal bar, pommel horse at still rings.

Bukod pa rito ang gintong medalyang nakamit ni Yulo sa team event ng junior men’s artistic gymnastics.

Si Yulo ang nakababa­tang kapatid ni Carlos Edriel Yulo na sumungkit ng dalawang gintong me­dalya sa 2024 Paris Olympics.

Sa kabuuan, humakot ang national gymnastics team ng 14 ginto, anim na pilak at limang tanso sa naturang torneo.

Nagdagdag ng tatlong ginto si Mi­guel Besana sa men’s se­niors individual all-around, floor exercise at pommel horse, habang na­siguro naman ni Justine Ace De Leon ang gintong medalya sa men’s still rings at parallel bars.

Nakahirit pa ng ginto ang tropa sa seniors men’s team event.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with