^

Bansa

1,322 tumanggap ng P500 milyong OVP confidential funds walang birth records

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
1,322 tumanggap ng P500 milyong OVP confidential funds walang birth records
Ayon kay National Statistician at Civil Registrar General Undersecretary Claire Dennis Mapa, ito ang naging resulta ng ginawang paghahanap ng PSA bilang tugon sa kahilingan ni House Committee on Good Government chairperson Rep. Joel Chua na beripikahin ang 1,992 pangalan na nakalista sa confidential funds ng OVP.
Philstar.com/Irra Lising

MANILA, Philippines — Tulad ni “Mary Grace Piattos”, wala umanong birth records sa database ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 1,322 tumanggap ng P500 milyong confidential fund ng Office of the Vice President (OVP).

Ayon kay National Statistician at Civil Registrar General Undersecretary Claire Dennis Mapa, ito ang naging resulta ng ginawang paghahanap ng PSA bilang tugon sa kahilingan ni House Committee on Good Government chairperson Rep. Joel Chua na beripikahin ang 1,992 pangalan na nakalista sa confidential funds ng OVP.

Sa 1,992 pangalan, 1,456 ang walang marriage records at 536 may posibleng match, 1,593 walang death records, 399 ang posibleng tumugma at 670 ang “most likely matched”.

Ang mga pangalan ay batay sa mga acknowledgment receipts (AR) na isinumite ng OVP sa Commission on Audit (COA) upang bigyang katwiran ang paggastos nito ng confidential funds mula Disyembre 2022 hanggang 2023.

Dahil dito, ayon kay Chua ay higit na tumindi ang duda na gawa-gawa lamang ng OVP ang nasabing mga pangalan tulad ng kontrobersyal na “Mary Grace Piattos”.

“These findings raise a critical question: if the recipients don’t exist, where did the money go? This is not just a clerical error; this points to a deliberate effort to misuse public funds,” dagdag pa nito.

Una nang hinanap ng PSA ang 677 pangalan na tumanggap ng P112.5 milyong confidential fund ng DepEd. Sa naturang bilang 405 ang walang birth record, 445 walang marriage certificates, at 508 walang death certificate.

Nakuha ang atensiyon ng mga mambabatas kay “Mary Grace Piattos” dahil katunog nito ang pangalan ng isang restaurant at brand ng potato chips. Wala itong rekord sa PSA.

Ang pangalan namang “Kokoy Villamin” ay lumabas sa AR ng OVP at DepEd pero magkaiba ang pirma nito. Gaya ni Piattos, walang rekord sa PSA si Villamin.

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with