Hiyasmin (133)
Bakit ba nakapagsalita agad siya tungkol kay Sir Dax? Bakit ba sinabi niya kay Nanay Julia na hindi naman mahirap mahalin si Sir Dax? Dapat hindi siya nagsalita ng ganun. Parang inamin na rin niya na may pagtingin siya kay Sir Dax. Paano kung malaman iyon ni Sir Dax? Baka dahil dun, magkaroon ng lakas ng loob at ligawan siya dahil alam na may gusto nga siya.
Dapat hindi siya nagtapat kay Nanay. Sana, tinikom niya ang bibig. Baka isipin tuloy ni Sir Dax ay babae na ang naghahayag ng damdamin. Ayaw niyang ganun ang isipin ni Sir Dax.
Pero sabi naman ni Nanay Julia, hindi makararating iyon kay Dax. Silang dalawa lang daw ang makaaalam niyon.
Naidasal ni Hiyasmim na sana nga ay walang malaman si Sir Dax.
NANG mga sumunod na araw ay nakiramdam si Hiyasmin kay Dax kung may nalaman ito mula sa ina. Sa tingin naman niya ay wala.
Hindi rin naman maiwasang itanong ni Hiyasmin sa sarili kung may nobya na ito. Sa buong panahon ng pagtira niya rito, wala siyang nakikita o naririnig kayang babae na kausap sa cell phone. Kung hindi nanonood ng TV at nagbabasa ng libro.
(Itutuloy)
- Latest