Maris at Anthony loveteam, buwag na?!
Alam mo, Salve A., masyado namang ‘dinurog’ ng bashers ang pagkatao ng Kapamilya singer-actress na si Maris Racal na akala mo ay nakapatay ng tao.
She owned up her mistakes at humingi na ito ng tawad sa kanyang mga pagkakamali then why still bash her.
Tao lang din siya katulad natin na nakakagawa ng pagkakamali. Kung ang Diyos nga ay pinatawad tayo sa mga kasalanan natin, then bakit hindi natin ito magawa kay Maris na kung tutuusin ay wala namang ginagawang kasalanan sa atin o sa publiko.
Kung may matinding problemang kinakaharap ngayon si Maris, siya ang hahanap ng kasagutan at solusyon pero huwag na sana nating dagdagan pa. At sa halip ay unawain ang kanyang pinagdaraanan ngayon.
Kung may nagawa mang kasalanan si Maris, kay Jam Villanueva, na ex ni Anthony Jennings, ‘yon at hindi sa publiko kaya huwag natin siyang husgahan.
Pang-unawa at compassion ang kailangan ni Maris at hindi ang paghuhusga.
Samantala, being the woman scorned, dapat ay alam din ni Jam ang kanyang hangganan. Kung gugustuhin si Maris ay puwede siyang magdemanda laban kay Jam sa pagpu-post ng private chat messages sa pagitan ng ex-boyfriend niyang si Anthony Jennings at ni Maris nang wala siyang pahintulot. Nariyan ang Data Privacy Law at Cyber libel. By exposing the private messages ng ibang tao na walang consent did not make her any good although nagtagumpay siya sa pagsira sa imahe ni Maris maging ng kanyang ex-boyfriend na si Anthony.
But just like any other showbiz controversies, this will soon pass at natitiyak namin na muling makakabangon si Maris with the help ng kanyang home studio, ang Star Magic at ang ABS-CBN na tiyak na gagawa ng damage control for their talents.
Pero ang tanong ngayon ng marami, kumusta na kaya ngayon ang pagkakaibigan nina Maris at Anthony, ang loveteam na sinusugalan ngayon ng ABS-CBN? Apektado kaya o magtutulong silang i-save ang kanilang loveteam na ngayon pa lamang umuusbong?
- Latest