^

Police Metro

Karambola ng mga sasakyan: 4 todas, 26 sugatan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang apat na katao habang 26 iba pa ang nasugatan sa naganap na karambola ng mga sasakyan na inararo ng isang truck sa Katipunan flyover sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng apat na nasawi habang ang suspek na truck driver na si Richard Mangupag, 45 na tumakas ay naaresto sa kanyang bahay sa Brgy.UP Village, QC makalipas ang 12 oras.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 3, nangyari ang aksidente, alas-6:55 ng gabi sa Katipunan Avenue/Aurora flyover.

Nabatid na galing Col. Bonny Serrano Avenue si Mangupag patungo ng C.P. Garcia Avenue nang mawalan umano ng preno ang minamaneho nitong wingvan na may plakang RJK 719 habang pababa ng flyover.

Bunsod upang araruhin ang nasa 16 na mga motorsiklo at limang kotse sa kanyang unahan at nagresulta sa karambola.

Ayon sa pahinante, bigla na lamang silang nakarinig ng pagsabog hanggang sa mabangga ang mga sasakyan sa kanilang unahan. Dahil sa takot ay tumakas si Mangupag.

Iniimbestigahan din ng pulisya ang report na nakikipagkarerahan umano si Mangupag sa ibang truck hanggang sa hindi na makontrol ang pakanan at natumbok na ang mga sasakyan.

Nakapiit ngayon ang suspek na nahaharap sa kasong Reckless imprudence resulting in multiple da­mage to property with multiple physical injuries at multiple homicide.

AKSIDENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with