^

PM Sports

Quezon, Biñan unahang dumikit sa MPVA crown

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bigating paborito ang Quezon subalit hindi padadaig basta-basta ang Biñan Tatak Gel 1-Pacman Partylist sa inaabangang Game 1 ng 2024 Mahar­lika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) best-of-three finals ngayon sa Alonte Sports Arena.

Sa homecourt muna ng Biñan ang unang sagupaan bago tumuloy ang serye sa Quezon Convention Center sa Lucena at South Quezon Convention Center sa Gumaca para sa Games 2 at 3, ayon sa pagkakasunod.

Nakatakda ang duwelo sa alas-6 gabi pagkatapos ng bronze medal tampok ang Rizal St. Gerrard Cha­rity Foundation at Bacoor Strikers sa alas-4 ng hapon.

Magkaiba ang daang tinahak ng No. 1 na Quezon at No. 3 Biñan para sa makasampa sa finale ng MPVA ni dating Senador at MPBL chairman din na si Manny Pacquiao.

Sinulit ng Tangerines ang twice-to-beat advantage nito nang itakas ang 25-22, 25-23, 23-25, 19-25, 15-10, panalo kontra sa Rizal habang butas ng karayom ang nilusutan ng Biñan.

Nilusaw ng Volley Angels ang twice-to-beat advantage ng Strikers, 25-21, 26-24, 25-21 at 25-18, 25-18, 25-16, para masikwat ang huling tiket at mahamon ang pambatong Quezon sa race-to-two series.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with