^

PSN Palaro

Milka kasangga ng Philippines sports

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Milka kasangga ng Philippines sports
Si Milka Romero kasama ang mga kabataang na­ngangarap na maging mahusay na atleta.

MANILA, Philippines — Isa si eight-division world champion Manny Pacquiao sa mga nagsusulong upang mapalakas ang sports sa bansa at maging world-class athletes ang mga Pilipino.

Kaya naman masaya ito na nasa 1Pacman ang matalinong sports leader na si Milka Romero na anak ni businessman Mikee Romero na isa rin sa tagasuporta ng sports sa bansa.

Dating atleta at co-captain ng Ateneo football team si Milka sa UAAP at ito ang No. 1 nominee ng 1Pacman.

“Kailangan talaga nating tutukan ang laban para sa pag-unlad ng sports. Kitang-kita natin ngayon na ang magagaling nating mga atleta ang umaani ng karangalan para sa bayan,” ani Pacquiao.

Malaki ang ambag ng Romero family sa ilang sports sa bansa.

Si Mikee ang godfather ng amateur basketball noong 2007 at naging lider din ng cycling at shooting associations.

Binigyan nito ng P3 milyong pabuya si weightlifter Hidilyn Diaz nang masungkit nito ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas noong Tokyo Olympics.

Binigyan din ng reward sina silver medalist Nesthy Petecio at bronze winners Eumir Marcial at Carlo Paalam.

Ito ang nais ituloy ni Milka.

“Our biggest advocacy is sports. We have grassroots programs where we want to support children in their journey na ma­ging isang atleta. We have already created laws and projects such as the National Academy for Sports and tinutuloy din natin yung mga programs natin,” ani Romero na co-owner ng Capital Solar Energy sa Premier Volleyball League.

Kasama ni Romero sa pagsusulong ng sports development sina former boxer-turned-civic at political leader Bobby Pacquiao at youth leader Sheila May “Shey” Sakaluran Mohammad.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with